Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikipagdiyalogo sa pandaigdigang larangan

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Mga Kapanalig, naging mainit na usapin noong nakaraang linggo, hindi lamang sa mga balita sa Pilipinas kundi maging sa international media, ang matatalim na pananalitang binitawan ni Pangulong Duterte bago siya lumipad patungong Laos para sa ASEAN Summit. Naglabas na ng paglilinaw ang mga tagapagsalita ng ating pangulo tungkol sa umano’y pang-iinsulto niya sa pangulo ng Estados Unidos. Ikinalungkot rin daw niya na lumaki nang ganoon ng kanyang naging pahayag.

At tila ba sinasanay na tayong mga Pilipino sa ganitong istilo ng pananalita ng pinakamakapangyarihang tao sa ating bansa. Ngunit sa kabila ng mga paglilinaw ng kanyang mga tagapagsalita at taga-suporta, may mga nagsasabing nagiging mas magulo pa ang mga bagay-bagay dahil hindi malaman ng mga tao kung ano ang paniniwalaan o kung paano tatanggapin ang mga salitang namumutawi sa bibig ng ating pangulo. Alin ang masasabing “policy statement”? Alin ang maituturing na sarili niyang opinyon? At alin ang biro o joke lamang? Para bang lumalabo na ang pagkakiba-iba ng mga ito.

Mga Kapanalig, ang bawat salita ay nagtataglay ng “power” o kapangyarihan at “potency” o lakas na magdulot ng epekto. Hindi lumalabas ang mga salita sa ating mga bibig nang walang ibinubunga, kabutihan man o kapinsalaan sa sarili at sa iba. At dahil dito, kailangan nating piliin ang salitang ating sasabihin.

At hindi naman po siguro kalabisan kung asahan natin ang mga taong kumakatawan sa mahigit 100 milyong Pilipino na gumamit ng wikang magsisilbing tulay natin tungo sa higit na pagkakaunawaan at pakikipagtulungan sa ibang bansa sa halip na bakod na nagtataboy sa iba papalayo sa atin. Bagamat masasabing may batayan ang magalit sa mga bansang hindi naging makatarungan sa mga maliliit na bansa o nag-iwan ng malaking pinsala sa ating kalikasan at maging sa ating kamalayan, ang kasalukuyang panahon—isang panahong maigting ang pagsalalay ng mga bansa sa isa’t isa—ay humihingi ng pakikipag-diyalogo.

Ang Pilipinas ay bahagi ng isang mas malaking pamayanan, isang international community. At ayon nga sa mga bihasa sa foreign relations, ang mga pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa ay ang pinakamataas na porma ng diplomasya, mga pagkakataon upang pahusayin ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga bansa. Paraan din ito ng check and balance, ng mapayapang pagsubaybay sakaling may mga pamahalaang umaabuso sa kapangyarihan nila at maaaring maglagay sa pandaigdigang kapayapaan sa alanganin. Malaki rin ang ugnayan ng ekonomiya ng bawat bansa sa international community sa panahon ng globalization, at ang Pilipinas ang isa sa mga nakikinabang dito dahil sa ating mga produkto nating inaangkat ng ibang bansa at sa mga manggagawang Pilipino nagpapakilos sa ekonomiya ng ibang bayan.

Oo nga’t pulitika rin ang nangingibabaw sa international community at sa ugnayan ng mga bansa at iba’t ibang pandaigdigang institusyon, maging bahagi nawa ang Pilipinas ng pagpapatatag ng mga ugnayang ito sa pamamagitan ng pagsusulong ng kabutihan at kaunlaran ng lahat at hindi ng sarili nating interes. Hindi tayo makalalahok sa pagbubuo ng pandaigdaigang pagtutulungan kung pahihinain natin ang mga institusyon ng pakikipag-diyalogo sa pamamagitan ng pagtuligsa, pananakot, o pagmamalaki.

Sabi nga ni Pope Francis sa isang akda: Ang diyalogo ay umuusbong mula sa paggalang sa kapwa, mula sa paniniwalang ang ating kausap ay may maibabahaging mabuti… Ang pakikipagdiyalogo ay nangangailangan ng magiliw na pagtanggap, hindi ng paunang pagtuligsa at paghatol. Upang makapasok sa isang diyalogo, mahalagang alam natin kung paano ibaba ang ating mga panangga, buksan ang pinto ng ating tahanan, at ialok ang mainit na pagtanggap sa iba bilang tao.

Ganito rin ang panawagan sa ating mga Katoliko sa isang lipunang binubuo ng mga taong iba’t iba ang kultura at paniniwala. Tulad ni Hesus sa Ebanghelyo ni Juan, ituring natin ang ating kapwa bilang mga kaibigan. Tanging sa ganitong paraan lamang magkakaroon ng tunay na pakikipagdiyalogo sa ating kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,186 total views

 6,186 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,301 total views

 16,301 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 25,878 total views

 25,878 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,867 total views

 45,867 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,971 total views

 36,971 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,187 total views

 6,187 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,302 total views

 16,302 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 25,879 total views

 25,879 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,868 total views

 45,868 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 36,972 total views

 36,972 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,168 total views

 40,168 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,737 total views

 43,737 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,193 total views

 56,193 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,260 total views

 67,260 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,579 total views

 73,579 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,191 total views

 78,191 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,752 total views

 79,752 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,313 total views

 45,313 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,974 total views

 67,974 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,550 total views

 73,550 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top