145 total views
Pinaalalahanan ni Radio Veritas Senior Economic Advisor Professor Astro del Castillo si Pangulong Rodrigo Duterte na maging mahinahon at idaan sa maayos na talastasan ang pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang bansa.
Iginiit ni del Castillo na ang payapang komunikasyon ang susi upang makuha ang loob ng malalaking investors na siyang pangunahing makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Ang presidente is the top sales man in the country dapat naman sana mas maganda yung mga approaches natin sa pagcommunicate sa ibang bansa after all we should be gaining more friends than earning more enemies specially
if we want our economy progress quickly,” pahayag ni Del Castillo.
Reaksiyon ito ni del Castillo sa pahayag ng Pangulong Duterte na tatapusin ng bansa ang pagtanggap ng tulong mula sa European Union na aabot sa 13.85-bilyong piso.
Naunang pinayuhan ni Senador Richard Gordon ang pangulo na maging maingat sa kanyang binibitawang mga pahayag sa international media dahil kinakatawan niya ang bansa at siya ang sumasalamin sa mga Pilipino.
Ayon kay Pope Francis, lumilikha ng tulay sa pagitan ng tao at ng kanyang komunidad ang isang maayos na pakikipagdayalago kung sasamahan ito ng pag-ibig at hindi ng karahasan.