Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang mensahe ng kalikasan, pakiusap ng Arsobispo sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

 2,369 total views

Huwag isantabi ang magkaugnay na tungkulin ng tao sa pangangalaga ng sarili at kalikasan.

Ito ang panawagan ni Jaro, Iloilo Archbishop Jose Romeo Lazo sa mga pagsubok na kinakaharap ng inang kalikasan bunsod ng patuloy na pagbabago ng klima ng daigdig.

Ayon kay Archbishop Lazo, ang lahat ng likas na yaman tulad ng mga puno, ilog, kabundukan, at karagatan ay may kaugnayan sa buhay ng tao dahil sa iniatas na tungkuling maging tagapangalaga at katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“As we journey in harmony as a human family, we cannot disregard our common mission—to live sustainable lives for ourselves and for the sake of the future generations,” pagbabahagi ni Archbishop Lazo sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Arsobispo ang bawat isa na pakinggan ang tinig ng nagdadalamhating kalikasan kabilang na ang mga katutubong direktang apektado ng pang-aabuso ng mga tao.

“Let us listen to the message of our Mother Earth, who longs also for healing from human greed and self-destructive behavior,” ayon sa Arsobispo.

Ibinahagi rin ng Arsobispo ang pakikiisa ng simbahan sa Earth Hour noong Marso 25 at kanyang iginiit na hindi lamang ito inisyatibo upang makatipid sa kuryente, kun’di panawagang baguhin ang mga nakasanayan at isabuhay ang mga turo mula sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

“It’s a collective voice given to the call to renew our commitment to a change of lifestyle that is compatible to our Christian set of values,” saad ni Archbishop Lazo.

Nanatili ang pagiging aktibo ng Simbahang Katolika sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang isulong ang pangangalaga at pagpapanatili sa nag-iisang tahanan.

Kabilang na rito ang 2022 Pastoral Statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na “A Call for Unity and Action amid a Climate Emergency and Planetary Crisis”, na layong bigyang kamalayan ang mamamayan sa labis na epekto ng pagkapinsala ng kapaligiran.

Panawagan din ito upang isulong ang pagsasantabi sa pamumuhunan sa mga industriya tulad ng pagmimina at coal-fired power plants na pinsala ang dulot sa buhay ng tao at kalikasan.

Pinakililos din ng Simbahan ang mamamayan na sama-samang tugunan ang lumalalang epekto ng pagbabago ng klima na nagdudulot ng polusyon at matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 106,392 total views

 106,392 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,167 total views

 114,167 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,347 total views

 122,347 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,345 total views

 137,345 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,288 total views

 141,288 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 335 total views

 335 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 4,220 total views

 4,220 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 6,020 total views

 6,020 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top