Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang mga katutubo

SHARE THE TRUTH

 104,838 total views

Mga Kapanalig, ginunita noong ika-8 ng Nobyembre ang ikasampung anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo. Sa loob ng isang dekadang ito, marami pang mga matinding kalamidad o mga extreme weather events, na pinalubha ng climate change, ang tumama sa ating bansa. Batay sa hindi agarang pagtugon ng pandaigdigang komunidad sa krisis sa klima, asahan nating patuloy pang makararanas ng matitindi at mga mapaminsalang kalamidad ang buong mundo, lalo na ang mga bulnerableng bansa, katulad ng Pilipinas. Wika nga ni Pope Francis sa kanyang bagong apostolic exhortation na Laudate Deum, mabagal at hindi sapat ang kolektibong pagkilos natin upang tugunan ang lumalalang krisis sa klima. Isa sa mga pinakabulnerableng sektor sa climate crisis ay ang mga indigenous peoples o mga katutubo nating kapatid.

Sa Global Meeting of the Indigenous Peoples Forum noong Pebrero, binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng mga katutubo sa pagtugon sa krisis sa klima. Pahayag ng Santo Papa, kailangang mas makinig tayo sa kanila at matuto mula sa kanilang paraan ng pamumuhay upang higit nating maunawaang hindi natin maaaring ipagpatuloy ang pag-ubos sa likas na yaman ng mundo. Kasabay nito, nanawagan si Pope Francis sa mga pamahalaang irespeto ang dignidad at kultura ng mga katutubo at protektahan ang kanilang mga karapatan.

Hindi natatamasa ng maraming katutubo ang respetong ito. Marami sa kanila ang nakararanas ng karahasan at paglabag sa mga karapatang pantao na madalas ay kaugnay sa kanilang pagtatanggol sa kalikasan at sa kanilang komunidad. Ayon sa Panaghiusa, isang network ng mga grupong katutubo sa Pilipinas, may 126 na mga lider at miyembro ng indigenous communities mula 2016 hanggang 2021 na biktima ng extrajudicial killings (o EJK) sa ilalim ng nakaraang administrasyong Duterte. Ayon naman sa grupong Karapatan, may dalawang katutubong biktima ng EJK at isang katutubong biktima ng enforced disappearance sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. Maliban sa mga ito, laganap din ang militarisasyon sa mga indigenous communties at red-tagging, lalo na sa mga katutubong tumututol sa mining operations at dam projects. Lahat ng kawalang-katarungang nararanasan ng mga katutubo ay parte ng dahilan kung bakit isang dekada nang nananatili ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa Asya na pinakamapanganib para sa mga environmental defenders.

Kamakailan lamang ay bumisita sa Pilipinas ang UN Special Rapporteur on the promotion and protection of human rights in the context of climate change upang alamin kung paano nakaaapekto ang mga pangyayaring dulot ng climate change sa pagtamasa ng karapatang pantao. Nakipagdayalogo siya sa mga ahensya ng gobyerno at iba’t ibang organisasyon, at pinakinggan ang karanasan ng mga civil society, church, at indigenous peoples groups. Sa kanyang paunang report, iminungkahi niya ang pagbawi sa Anti-Terrorism Law at pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Aniya, nagbibigay-daan ang mga ito sa mga human rights violations at harassment ng mga environmental defenders. Bagamat binatikos ng ilang opisyal ng gobyerno ang rekomendasyon, sinuportahan naman ito ng iba’t ibang human rights at environmental organizations at ng mga katutubo.

Mga Kapanalig, likas sa mga katutubo ang pamumuhay na naaayon, nangangalaga, at nagbibigay-respeto sa kalikasan. Ang pamumuhay na ito ay kinikilala sa mga panlipunang turo ng Simbahan na mahalaga sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat o common good. Mahalagang kasama natin ang mga kapatid nating katutubo sa kolektibong pagkilos upang tugunan ang krisis sa klima. Marapat at makatarungan lamang na pakinggan natin ang kanilang mga boses at ipagtanggol natin ang kanilang dignidad at mga karapatan, katulad ng “[paggawad ng] katarungan sa api at mahihirap” na paalala sa Mga Kawikaan 31:8.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,366 total views

 16,365 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,022 total views

 31,021 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,137 total views

 41,136 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,714 total views

 50,713 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,703 total views

 70,702 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,367 total views

 16,367 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,993 total views

 1,993 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,023 total views

 31,023 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,138 total views

 41,138 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,715 total views

 50,715 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,704 total views

 70,704 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,376 total views

 47,376 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,401 total views

 42,401 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,970 total views

 45,970 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,425 total views

 58,425 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,492 total views

 69,492 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,811 total views

 75,811 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,423 total views

 80,423 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,983 total views

 81,983 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,544 total views

 47,544 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top