805 total views
Ang mga Pilipinong Katoliko ay may pambihirang misyon na abutin ang mga nangangailangan lalo’t higit ang mga naisasantabi at nagdurusa sa lipunan.
Ito ang ibinahagi ni Msgr. Pedro Gerardo O. Santos – Chief Operating Officer ng Aid to the Church in Need – Philippines sa naganap na thanksgiving mass para sa ika-anim na anibersaryo ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas.
Ayon sa Pari, isa ang Pilipinas sa 23 mga bansa sa daigdig na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need.
“We are one of the 23 countries in the world that have been tasked and hold offices of Aid to the Church in Need, it is a wonderful occasion for us Filipino Catholics to be truly missionaries in our times to reach out beyond the borders and boundaries of our homes, parishes and dioceses.” Ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Santos.
Sinabii ng Pari ang kahalagahan maging bukas ang kamalayan ng bawat isa sa mga nagaganap at pakinggan ang panaghoy ng kapwa lalo na ang mga nagdurusa at dumaranas ng pag-uusig dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya.
Paliwanag ni Msgr. Santos, hindi dapat na ipagsawalang bahala ng sinuman ang mga hinaing at panaghoy ng mga nangangailangan.
“Get to know what is happening in the world open your eyes, open your ears, listen to the cries of those who are suffering especially those who are undergoing difficulties in various countries in which Christianity is undergoing difficulties. The more we know, the more we are enlightened to pray. The more we know about persecution in the different churches not only the Catholic Church, the more we commit ourselves to help and to assist.” Dagdag pa ni Msgr. Santos.
Ayon sa Pari, ang Aid to the Church in Need ay maituturing na isang biyaya ng Panginoon upang magsilbing daluyan ng kanyang habag, awa at pagmamahal para sa mga dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng
“We thank God for the gift of the Aid to the Church in Need a pontifical foundation dedicated to pastoral charity, the foundation serves various projects above all project to assists Christians persecuted throughout the world.” Ayon kay Msgr. Santos.
Una ng inihayag ng United States Commission on International Religious Freedom na tinatayang aabot sa mahigit 30-bansa ang mayroong kaso ng persekusyon at karahasan na may kaugnayan sa pananampalataya at relihiyon.
Naitatag ang Aid to the Church in Need noong 1947 na kinilala bilang isang papal foundation noong 2011 na nagbibigay ng pastoral at humanitarian na tulong sa mga inuusig na Simbahan at Kristiyano sa mahigit 140 mga bansa sa buong daigdig na tinutulungan ng organisasyon sa pamamagitan ng nasa 6,000 proyekto kada taon.
Taong 2016 ng nagkaroon ng sanggay ang ACN sa Pilipinas na kabilang sa mahigit 20 mga bansa sa Europa, Amerika, Australia at Asia na naatasan na magkaroon ng tanggpan ng organisasyon.