2,302 total views
Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa banal na Misa para sa pagtatalaga kay Msgr. Rolando dela Cruz bilang bagong rektor ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.
Ayon sa cardinal, ang paghirang kay Msgr. dela Cruz ay hindi lamang dahil sa kanyang kakayahan at husay sa pamamahala ng simbahan bagkus pagtugon sa panawagan ng Panginoon na higit pang ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano.
“You (Msgr. Dela Cruz) are here because it is the Lord who calls you to be here. And your mission here is not just to maintain this building or promote this cathedral as a center of tourism and culture. Your mission is to help our people recognize how the Lord works and is very present in their lives,” pahayag ni Cardinal Advincula.
Sinabi ni Cardinal Advincula sa bagong rektor na kaakibat ng pagtugon sa misyon ay ang patuloy na pakikinig sa tinig ng mga mananampalataya na makakatulong upang mas magampanan ang tungkulin ng pagiging lingkod ni Kristo.
Hiling din ng kardinal na magsilbing paalala kay Msgr. Dela Cruz ang Manila Cathedral na simbolo ng katatagan sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa nakalipas na panahon katulad ng Panginoong Hesus na muling nabuhay. “They will help you see the Lord in your priesthood. They will also help you to see the Lord in your life. Let this Cathedral, with the number of times that this was destroyed and yet, rose again be a constant reminder that it is the Lord,” ayon sa kardinal.
Nagpapasalamat naman si Cardinal Advincula kina Fr. Marion Noel “Bong” Bayaras at Fr. Kali Pietre Llamado na nagsilbing parish administrator at attached priests ng Manila Cathedral sa loob apat na buwan.
Ginanap ang pagtatalaga kay Msgr. dela Cruz nitong Abril 14 sa Manila Cathedral na sinaksihan nina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.
Si Msgr. dela Cruz ang kahalili ni Manila Archdiocesan Vicar General Fr. Reginald Malicdem na itinalagang chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station ng Landmark at SM Chapels sa Makati City.