Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 525 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Palaspas, 2 Abril 2023,

Mateo 26:14-27:66

Ewan kung napansin ninyo ang isa sa mga most common symbols of martyrdom ng simbahang Katolika: ang palaspas. Pansinin ninyo ang mga imahen o larawan ng ating mga santong namatay sa pagka-martir—karamihan sa kanila may hawak na palaspas: Santa Maria Goretti, San Pedro Calungsod, San Oscar Romero, San Maximilian Kolbe, mga martir ng Vietnam, Korea at Africa.

Kaya kayong may hawak na palaspas ngayong Linggo ng Palaspas, huwag ninyong kalilimutan, delikadong simbolo ang hawak ninyong iyan. May statement o mensahe na ipinahahayag ang humahawak niyan—na handa kang manindigan para sa iyong pananampalataya, kahit ipagdusa mo pa ito o ikamatay.

Simbolo pala ng pagka-martir ang palaspas. Pero linawin muna natin na salitang MARTYR ay galing sa salitang Griyego—MATURIA, na ang ibig sabihin ay witnessing, pagpapatotoo, pagiging saksi o testigo sa totoo.

Noong kasagsagan ng giyera sa droga, ang daming mga saksi sa pagpatay—mga kapitbahay o kaanak. Alam nila na hindi totoo ang madalas ireport sa balita na ang mga namatay na “drug suspects” ay nanlaban. Karamihan sa kanila ay pinatay na walang kalaban-laban. May mga saksi, pero ayaw sumaksi, takot sumaksi, takot na baka sila ang mapag-initan.

Nakapagtataka, ang mas malakas ang loob na sumaksi noon ay mga bata at kabataan. Siguro dahil wala pang gaanong takot sa kamatayan ang mga bata. Minsan, magulang pa nila ang pipigil sa pagsaksi nila. Ano kaya ang isasagot ng isang magulang kapag sinabi ng anak, “Inay, itay, kayo po ang nagturo sa akin na huwag magsinungaling, na kung totoo, panindigan. Bakit ngayon ayaw ninyong panindigan ko ang totoo, e iyun naman po talaga ang nakita ko.”

Dalawang punto ating pagnilayan sa simula ng semana santa sa raw na ito ng Linggo ng Palaspas. Unang punto: ang pagiging MARTIR ay pagsaksi o pagiging handang manindigan sa totoo.

Ang ikawalong utos ng Diyos ay “huwag sasaksi sa hindi totoo.” Negative ang pangungusap—sa madaling salita, huwag magsisinungaling. Pero ang mas matinding challenge ni Jesus ay gawin itong positive: “Panindigan ang totoo, kahit ikapahamak mo pa ito.”

Minsan may isang stand-up comedian na nagbiro tungkol sa mga lawyers. Tinanong daw niya kung anong career ang gustong pasukin ng anak niya: sabi daw ng anak, “I want to be a LAWYER, dad.” Sagot daw ng ama, “Since when was being a LIAR considered a career, my son?” Tawanan ang mga nakikinig. Pero nasaktan ako doon dahil pamilya kami ng mga lawyers-bukod sa tatay at dalawang kapatid, lima sa mga pamangkin ko naging lawyers. Hindi ganyan ang ipinamulat nila sa amin tungkol sa pag-aabugado. Kaya nga may Husgado at may mga abugado, para sa pagreresolba ng mga kaso ang magtagumpay ay iyong totoo, tama, at makatarungan. Paanong iuugnay ang pag-aabugado sa kasinungalingan?

Kaya siguro isa sa mga turing sa Espiritu Santo sa Gospel of John ay ADVOCATE—abogado, ibig sabihin, tagapagtanggol ng katotohanan.

Sa drama ng pasyon ang daming kasinungalingan: mga pinuno at nakatatanda pa mismo ang gumamit ng mga bulaang saksi (false witnesses) para akusahan si Hesus ng paratang na hindi totoo. Si Poncio Pilato, alam niyang walang sala si Hesus, pero naghugas kamay siya. Bakit? Hindi niya mapanindigan ang totoo. Si Hudas Iskariote, hinalikan pa niya si Hesus sa Gethsemane, pero ipinagkanulo na pala ang kaibigan. Si Pedro, tatlong beses na nagsinungaling—sinabing wala siyang kinalaman kay Hesus. Ang mga alagad na nagsabi kay Hesus na handa silang mamatay para sa kanya; biglang naglaho silang lahat matapos na arestuhin siya.
Bakit ba hindi nila mapanindigan ang totoo? Ang pinakamadalas na maging hadlang sa pagsaksi sa totoo ay TAKOT—katulad ni Pedro o ng ibang mga alagad na naglaho. Minsan, puwedeng maging dahilan ang pagkasilaw sa pera, katulad ni Hudas Iskariote o iyung umangal tungkol sa winaldas daw ng babae na mamahaling pabango. Pwede ring ang dahilan ay inggit, katulad ng mga punong saserdote at mga mga pinuno ng bayan.

Sa panahon ng digital technology, sa social media, kahit na sino ngayon ay pwedeng maging tagapamahayag. Dati mga professional journalists lang—at least may standard for good journalism. Ngayon pwedeng ikalat ang kahit na ano; pwedeng umimbento ng balita kahit di totoo. Ito ang malaking problema hinaharap natin tungkol sa social media: ang mass disinformation. Naging negosyo ang pagpapakalat ng kasinungalingan o ng gawa-gawang balita.

Hindi gawaing Kristiyano ang maging alagad ng kasinungalingan. Ang maging Kristiyano ay maging alagad ng katotohanan. Maging parang gamu-gamo na naaakit sa liwanag, hindi takot lumapit sa apoy o ningas ng kandila kahit pwede niya itong ikamatay.

Pangalawang punto: ang pagiging MARTIR ay pakikibahagi sa misyon ni Kristo—pagiging handang maging PANTUBOS sa kasalanan ng mundo.

Ang Linggo ng palaspas ay simula ng tinatawag nating paggunita sa MISTERYO PASKWAL, o pagdurusa ng Anak ng Diyos bilang pag-ako sa kasalanan ng mundo. Nagsisimula ang kuwento ng Pasyon sa pagpasok ni Hesus sa Jerusalem at pagwawagayway ng palaspas bilang pagsalubong sa kanya ng mga tao sa pag-aakalang siya ang “magliligtas sa Israel”sa kamay ng mga dayuhang mananakop—ang Roman empire.

Akala nila pumasok si Hesus sa Jerusalem para simulan ang isang rebolusyon, para maningil ng dugo, o para ipaghiganti ang kaapihan ng kanilang bayan. Nagkamali sila ng akala. Sa Gethsemane may dala pa ngang mga sandata ang mga alagad. Di ba’t ayon sa kuwento ay humugot na sila ng espada, at may natigpas na ngang tainga ng isang alipin? Ngunit sinaway sila ni Hesus. Sa mga naniningil ng dugo, dugo rin ang nagiging kabayaran; ang gumagamit ng sandata, sandata rin ang ikinamamatay. Ito ang babala niya.

Kay Hesus bilang martir, walang ibang dugo na dapat handang ibuwis ang sinuman kundi sariling dugo. Dugo ng “kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.” Ang pagiging martir ay pagiging handang mag-alay ng buhay bilang pantubos. Handang mamatay, hindi pumatay.

Kaya nasabi niya sa huling hapunan, “Ito ang dugo ng bago at walang hanggang tipan, dugong ibubuhos sa ikapagpapatawad ng kasalanan.” Ito rin ang ibig niyang gawin natin bilang paggunita sa kanya: ang maging handang ibahagi ang buhay bilang PANTUBOS.

Itong dalawa, mga kapatid ang kahulugan ng hawak ninyong simbolo ng palaspas: pagiging handang MANINDIGAN SA KATOTOHANAN, at MAGING PANTUBOS SA KASALANAN NG MUNDO. Ito ang simula ng ating pakikilakbay kay Kristo sa landas—na hindi sa kabiguan matatapos kundi sa tagumpay. Hindi sa kamatayan matatapos kundi sa pagkabuhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,429 total views

 31,429 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,085 total views

 46,085 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,200 total views

 56,200 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 65,777 total views

 65,777 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 85,766 total views

 85,766 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,376 total views

 7,376 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,506 total views

 9,506 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,506 total views

 9,506 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,507 total views

 9,507 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,503 total views

 9,503 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,376 total views

 10,376 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,577 total views

 12,577 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,610 total views

 12,610 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,964 total views

 13,964 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,060 total views

 15,060 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,269 total views

 19,269 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,987 total views

 14,987 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,357 total views

 16,357 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,619 total views

 16,619 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,312 total views

 25,312 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top