11,233 total views
Tiniyak ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang patuloy na panalangin sa pagpapastol at tungkuling pangasiwaan ang ecclesiastical province of Caceres.
Ito ang mensahe ng nuncio kasabay ng paggawad ng pallium kay Archbishop Alarcon nitong September 21 sa ritong pinangunahan sa Naga Metropolitan Cathedral.
Sinabi ng kintawan ng Santo Papa sa Pilipinas na bilang pastol ng arkidiyosesis ay nararapat na tularan si Hesus ang Mabuting Pastol sa paggabay sa nasasakupan.
“We promise you Archbishop Rex to pray for you, we will ask Ina to watch over you and intercede for you so that you will exercise the yoke of authority, the yoke that Jesus makes easy, and the burden light,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Brown.
Batid ng nuncio ang kaakibat na malaking tungkulin ni Archbishop Alarcon sa pagtanggap ng pallium dahil bukod sa pamamahala sa arkidiyosesis ay tungkulin din nitong pangalagaan ang buong ecclesiastical province ng Caceres kabilang na ang mga Diyosesis ng Daet, Legazpi, Libmanan, Masbate, Sorsogon, Virac.
Hiling ng nuncio sa mananampalataya ang paggalang sa mga punong pastol ng simbahan gayundin ang patuloy na panalangin na magampanan ang kanilang tungkuling pagpapastol.
“We need to respect our bishops, respect their authority, realize that they are carrying the weight that most of us are not carrying. We need to pray for them as they are carrying the cross of Christ, the pallium inscribe six crosses reminding us that a bishop is for us a symbol of Christ,” ani Archbishop Brown.
Ang pallium ay isang puting woolen stole na isinusuot sa balikat ng mga arsobispo tanda ng kanilang pakikiisa santo papa at tungkuling pangalagaan ng kawan.
Tiniyak naman ni Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagsusumikap na gampanan ang mga iniaatang na tungkulin bilang arsobispo ng simbahan.
“As I wear this pallium made of sheep’s wool, I take note of the symbols, may I not forget the lost sheep whom the good shepherd set out to seek,” saad ni Archbishop Alarcon.
Nakagawian ang pagkaloob ng pallium sa mga bagong arsobispo sa Vatican tuwing June 29 sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pablo at San Pedro.
Bagamat patuloy na isinasagawa ni Pope Francis ang pagbabasbas at paggawad ng pallium sa mga bagong arsobispo pinahintulutan ng santo papa noong 2015 ang formal imposition ng pallium sa pamamagitan ng mga nuncio o kanyang kinatawan sa ba’t ibang bansa.
Bukod kay nuncio dumalo rin sa pagdiriwang ang Bicol bishops kasama rin sina Cebu Archbishop Jose Palmat at Green Bay Bishop David Ricken.