394 total views
Muling nanumpa ng katapatan si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay bilang katuwang ng Santo Papa Francisco sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika sa pagpapalaganap ng Mabuting balita ng Diyos gayundin ang pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.
Ito ang bahagi ng mensahe ng Arsobispo sa naganap na “Imposition of Pallium” sa kanya na isinagawa sa Metropolitan Cathedral of St. Peter na pinangunahan ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta at dinaluhan ng mga Obispo na kabilang sa Ecclesiastical Province of Tuguegarao.
“With most deligence I will carry out the Apostolic duties entrusted to Bishops namely keeps, sanctify and rule the people of God in hierarchical communion with the head and members of the College of Bishops… I will watch over the unity of the peole and thus make every effort to ensure that the deposit of faith handed down from the apostles is preserve pure and intact and that the truths to be held to be pass on…”mensahe ni Archbishop Baccay.
Ang pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot ng Santo Papa at mga Arsobispo na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.
Dati itong ginagawa sa Roma sa pangunguna ng Santo Papa ngunit hinikayat ni Pope Francis na gawin na lamang ito sa kani-kanilang mga bansa sa presensya ng iba pang mga Obispo at mga mananampalataya na kanilang pagsisilbihan bilang pinunong pastol ng Simbahang Katolika.
Ika-18 ng Oktubre taong 2019 ng itinalaga si Archbishop Baccay ni Pope Francis bilang Arsobispo ng Archdiocese of Tuguegarao.
Ang Ecclesiastical Province of Tuguegarao ay binubuo ng Archdiocese of Tuguegarao, Diocese of Ilagan, Dicoese of Bayombong, Apostolic Vicariate of Tabuk at Prelatura ng Batanes.
Nilimitahan lamang sa mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Tuguegarao at ilang mga Pari ang nakadalo sa Imposition of Pallium sa Metropolitan Cathedral of St. Peter dahil na rin sa ipinatutupad panuntunan ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.