Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,701 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle
Archbishop of Manila
Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception
March 25, 2018

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal na lugar na Herusalem upang tuparin ang kaniyang misyon.

Siya ay dumating para tuparin ang kaniyang misyon at iyon ay magaganap sa Herusalem-banal na lugar subalit lugar kung saan ang mga propeta at mga sugo ng Diyos ay pinapatay. Ang Semana Santa ay punong-puno ng mga misteryo kaya inaanyayahan ko po kayo lahat simula ngayon na tutukan si Hesus, tingnan si Hesus, pakinggan si Hesus upang makilala natin Siya muli at ng malalim. Sino nga ba Siya at bakit siya dumating? Ano nga ba ang Kaniyang misyon? Bakit Siya ganiyan?

Sabi kanina habang tayo ay pumapasok, pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Dumating si Hesus sa ngalan ng Panginoon, pinagpala ba Siya? Sa narinig natin sa ebanghelyo masasabi mo bang pinagpala Siya? Pinagpala yan? Nilibak-libak, kinukutya, hinubaran, hiniya, pinatay bilang kriminal. Sasabihin mo ba pinagpala? Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Sino Siya? Sino itong si Hesus?

Para po sa sisimba rito-isang buong linggo ‘yan po ang ating paglalakbay araw-araw titingnan natin si Hesus. Sino ka nga ba Hesus? Magpakilala ka muli sa amin. Sa awa na ito ang tanong ni Pilato ang siyang magiging gabay natin. ‘Tinanong nya si Hesus, ikaw ba ang hari ng mga hudyo? Hari ka nga ba? Sino ka Hesus? Anong uri ng hari ka? Hari ng mga hudyo.’ Pinapili ni Pilato ang mga tao, sino ang pipiliin nyo palalayain ko ang kriminal na si Barabas o ang hari ng mga hudyo na si Hesus? At ang pinili ng mga tao para palayain ay ang kriminal na si Barabas at ang hari ay ipapapako. Anong uring hari ‘yan? Tapos may sundalo nagbigay pugay nai-imagine ko tumutungo sabi pa ‘Hari ng mga hudyo’ at pagkatapos yun pinukpok Siya sa ulo, hinubaran hari ng mga hudyo.

Hindi pagpupugay, hindi pagpaparangal kundi pangkukutya ‘Hari ng mga hudyo’. Ipinako Siya nakalagay duon sa taas ng krus ‘Hari ng mga hudyo’. Ano ‘yun pagpupugay? Hindi ‘yun ang Kaniyang krimen dahil Siya ang hari ng mga hudyo, Siya ay ipapapatay. Hari, anong klaseng hari si Hesus?

Makikita po natin tahimik lang Siya. Sa mata ng mundo Siya ay hari na walang lakas at kapangyarihan. Nasaan ang Kaniyang lakas? Nasaan ang kanyang Kapangyarihan? Sa unang pagbasa nakita natin ang Kaniyang lakas, kapangyarihan ay galing sa tiwala sa Diyos. Ang hari natin hindi nagtitiwala sa dahas, hindi nagtitiwala sa armas, hindi nagtitiwala sa tabak, hindi nagtitiwala sa bala’t baril. Nagtitiwala ang hari natin sa Diyos at basta’t ako’y inosente sa mata ng Diyos wala na akong hahanapin pa. Sa Diyos ang lakas, sa Diyos ang kapangyarihan Niya.

Sa ikalawang pagbasa Siya ay may kapangyarihan bilang anak ng Diyos subalit hinubad Niya hindi Niya kinapitan ang Kaniyang dangal bakit? Upang makipag-isa sa atin nagpakababa ‘iyan ang Kaniyang lakas ‘yan ang Kaniyang kapangyarihan. Ang solidarity ang pakikiisa sa mga mabababa, pakikiisa sa mga mahihina, pakikiisa sa mga makasalanan. Ang Kaniya’y hindi kapangyarihan na kapag ikaw ay mababa lalu ka pang tatapakan, hindi! Ang Kaniya’y kapangyarihan na kapag ikaw ay maliit ikahihiya ka, hindi! Ang Kaniyang kapangyarihan ay makikiisa Ako sa iyo mahina ka, mababa ka, makasalanan ka, marupok ka- nandito ako, nakikiisa sa iyo. Iyan ang ating hari.

Kaya pwede naman Siyang lumaban kay Pilato e. Puwede naman Siyang makipag-debate kung tutuusin, wala namang panama sa Kaniya si Pilato utal-utal naman ‘yang si Pilato. Pero ang hari natin hindi na kailangang ipaglaban ang Kaniyang sarili, ang Kaniyang pagkatao puspos ng tiwala sa Diyos at pag-ibig sa atin. Yan ang Hari, ‘yan ang may dangal, ‘yan ang may kapangyarihan.

The serene dignity and silenced of the person who trust in God and who is in full solidarity with sinful humanity that is true authority. That is our true King. That is the King that will save the world.

Tayo po ay tinatanong, tatanggapin mo ba ang Hari na katulad ni Hesus? Susundan ba natin Siya? Siya na ganiyang uri ng hari. Sa mundo natin ngayon namamayagpag ang mga haring puno ng kayabangan kapos sa kapagkumbabaan. Sa panahon natin ngayon kaydamiraming sumusunod sa mga hari na ang ginagamit ay dahas, armas, pananakot. Kapos na kapos sa pang-unawa at pakiisa sa mga mahihina.

Tinatanong tayo ni Pilato sino ang pipiliin ninyo ang mga Barabas ng panahon ngayon o si Hesus ang hari.

Tumahimik po tayo sandali at sa ating puso tanungin natin si Hesus nga ba ang aking hari handa ko ba Siyang tanggapin at sundan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 53,069 total views

 53,069 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 64,144 total views

 64,144 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 70,477 total views

 70,477 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 75,091 total views

 75,091 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 76,652 total views

 76,652 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,756 total views

 5,756 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,741 total views

 5,741 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,754 total views

 5,754 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,756 total views

 5,756 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,701 total views

 5,701 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,801 total views

 5,801 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,711 total views

 5,711 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,753 total views

 5,753 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,696 total views

 5,696 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,708 total views

 5,708 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,763 total views

 5,763 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Holy Cross Parish, Makati

 2,353 total views

 2,353 total views Sept. 13 9th day Novena Mass Ngayon po ang huling araw ng pagno-nobena ngayong bisperas ng kapistahan ng Tagumpay ng Krus ni Hesus. Ang atin pong fiesta sa taong ito ay napapaloob sa itinakda ng mga obispo ng Pilipinas bilang tema ng taong ito, walang iba kundi ang ‘Parokya bilang Communion of Communities’

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top