6,317 total views
By: Marian Pulgo & Michael Añonuevo
Nananawagan na sa pamahalaan ang social arm ng simbahan para hingin ang tulong ng international community. Ito ang pahayag ni Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa malaking bahagi ng Luzon.
Ayon kay Fr. Labiao, mahalaga ang bawat oras para masagip ang ating mga kababayan mula sa panganib na dulot ng baha kabilang na sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.
“We urge our government to seek help from the international community now. It is clear that we cannot do this alone. It is imperative that we leave no one behind. Let us all help each other. Let us save everyone. Every second counts. Every life matter,” ayon sa mensahe ni Fr. Labiao.
Giit pa ng pari, kinakailangan na ang pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan upang mailigtas ang mga nangangailangan ng pagsagip.
“The nation is in quandary. In Cagayan, people–children, elderlies and the vulnerable are crying out for help–some have died already. The Catholic Church, especially the Archdiocese of Tuguegarao, is mobilizing all its resources to reach Cagayan Valley the soonest. But we cannot do this without everyone’s help. All stakeholders need to be on board,” ayon pa sa pari.
Una na ring nanawagan ng tulong si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa lalawigan na dulot ng nagdaang bagyo.
Hiling din ng arsobispo ang patuloy na panalangin para sa kaligtasan ng bawat pamilyang nakakaranas ng pagdurusa dulot ng pagbaha.
“We are deeply saddened about the severe floods impacting so many people’s lives in our province. While some show increased resilience and determination in the face of difficulty, we encourage those who are capable of extending help to reach out to our needy brothers and sisters. Our thoughts and prayers are with you especially during these difficult times,” ayon sa pahayag ni Archbishop Baccay.
Una na ring lumabas sa social media ang mga pangyayari sa Cagayan at Isabela kung saan umaabot na sa mga bubong ang taas ng tubig, at marami na sa mamamayan ang humihingi ng saklolo.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council may 3,700 rescue personnel ang nagtungo na sa lalawigan para tumulong sa mga binahang lugar.
Sa pinakahuling ulat Sabado ng umaga may 276-katao na ang nailigtas ng mga kawani ng Philippine Coast Guard mula sa Cagayan at Isabela. (Michael Añonuevo)