1,675 total views
Hinimok ng mambabatas ang pamahalaan na dagdagan pa ang navigational buoys sa mga islang pag-aari ng Pilipinas.
Ayon kay Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, ito ay bilang palatandaan ng mga pag-aari ng Pilipinas sa mga pinagtatalunang isla, bahura at mga baybayin. Pinuri din ng mambabatas ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglalagay ng limang markers sa West Philippine Sea, na hinihikayat ding maglagay ng palatandaan sa mga pag-aari ng Pilipinas mula hilagang bahagi ng rehiyon ng Ilocos hanggang sa katimugang bahagi ng Palawan.
Giit ni Rodriguez ang lugar ay bahagi sa lawak ng teritoryo ng bansa na inaaangkin din ng China.
“The Coast Guard should install more buoys in the entire breadth of the WPS, from the northern part of the country in the Ilocos region to the south in the Palawan area, because that is the extent of Philippine territorial waters China is claiming,” ayon kay Rodriguez.
Ayon sa mambabatas, ang mga palatandaan ay magsisilbi ring babala sa China at iba pang bans ana ito ay bahagi ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas sa ilalim ng international law.
Taong 2015, ipinag-utos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang obligatory prayer- ang Oratio Imperata kaugnay sa inihaing reklamo ng Pilipinas sa The Hague sa pinagtatalunang isla sa pagkakaroon payapa at makatarungang pagpapasya ng hukuman.
Pinaboran naman ng international court ang Pilipinas taong 2016 at isinantabi ang nine dash claim ng China.