159 total views
Dapat naging mahinahon ang pamahalaan sa paglalabas ng mga pahayag sa pagbisita ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard sa bansa.
Ayon kay Veritas 846 Senior Political Advisor Prof. Ramon Casiple – Executive Director of Institute for Political and Electoral Reform, hindi dapat na nagpadalos dalos ang administrasyon sa paglalabas ng mga statement dahil nagmukhang ‘defensive’ ang pamahalaan sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao ng kampanya laban sa illegal na droga.
Ikinatwiran ni Casiple na karaniwan ng naiimbitahan ang iba’t-ibang international experts upang magbahagi ng kanilang kaalaman tulad ng dinaluhang academic event ni Callamard sa University of the Philippines.
“I would say na naging napaka-defensive nila, kasi hindi naman special rapporteur ang frame ni Callamard sa pagpunta, wala naman siyang balak mag-imbestiga pinaghinalaan agad from the start”.pahayag ni Prof. Casiple sa panayam sa Radio Veritas.
Sinabi ni Casiple na dapat mas nagpahayag ang administrasyon ng kahandaan na makipagtalakayan at makipagtulungan kay Callamard upang hindi na lumaki pa ang usapin at magdulot ng interpretasyon na may nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa war on drugs.
Naunang nagpahayag ng pagkilala at kahandaang makinig ang Philippine National Police sa maaring maitulong o rekomendasyon ni Callamarad upang masolusyunan ang problema ng bansa sa illegal na droga kung saan nasa 4-na-milyon ang mga drug pushers at users.