731 total views
Itinuturing na hamon ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental ang pagsusulong sa pagkakaroon ng maayos at malinis na halalan sa lalawigan sa susunod na taon.
Pagbabahagi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Seminaries na isang hamon para sa diyosesis ang maisulong ang matapat, malinis, patas at mapayapang May 2019 Midterm elections matapos ang marahas na pagkamatay sa 9 na magsasaka sa loob ng isang hacienda sa lalawigan.
Ayon sa Obispo, bagamat malawak ang mga usaping dapat tutukan at bantayan tuwing sumasapit ang halalan sa Negros Occidental ay umaasa pa rin siya sa taglay na katalinuhan ng mga botante na maghalal ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan.
“We just hope that it will be peaceful, but whether it just reflective of the really the will of the people or really what is the right of the date to vote we’ll that is something else, but I just speak for the part of the Diocese of San Carlos that’s from Manapla to Guihulngan it’s really a big challenge din how to keep the election fair, clean, honest and peaceful hopefully…” pahayag ni Bishop Gerardo Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.
Nauna ng inilahad ng Obispo na ang usapin ng lupang agraryo ang isa sa mga pangunahing suliranin sa lalawigan na dapat na matugunan ng pamahalaan upang mabigyan ng dignidad ang mga mamamayan na ang pagsasaka ang pangunahing pinagmumulan ng pagkakakitaan.
Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza na hindi matatapos ang suliranin sa usapin ng lupang agraryo hanggang hindi ito tunay na natutugunan at hanggat hindi naipagkakaloob sa mga magsasaka ang mga lupang dapat na maging pagmamay-ari nila.
“Talagang challenge, tapos simula pa ng political season so para bang what is the signaling naman, I mean it’s not a good signal for what lies ahead kaya nga we are really calling for everybody to be vigilant and really do our part na hand-in-hand instead of blaming each other or pin-pointing who is to blame let us come together and discuss what is a more comprehensive and lasting solution to this ano na long standing problem ng land dispute sa Negros…” dagdag pa ni Bishop Gerardo Alminaza.
Pagbabahagi ng Obispo, kapansin-pansin sa lalawigan na iilang pamilya lamang ang nagmamay-ari at nakikinabang sa maraming mga lupain habang patuloy namang naghihirap ang mga magsasaka na nagtatrabaho sa mga lupaing hindi naman sa kanila.
Sa kasalukuyan, ang mga magsasaka sa tubuhan(sagada)o sugarcane plantation workers sa lalawigan ng Negros Occidental ay sumasahod lamang ng 256-pesos kada araw.
Kaugnay nito, batay sa tala mula ng magsimula ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa pamamagitan ng Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988 hanggang noong 2017 ay mahigit sa 4.7 milyong ektarya ng lupang sakahan kasama ang mga pribadong lupain ang naipamahagi sa may 2.8 milyong magsasaka o sa mga tinaguriang Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs na katumbas ng mahigit sa kalahati o 54-na-porsyento ng mga pamilyang umaasa sa pagsasaka.
Nasasaad sa Encyclical ni Pope Paul the 6th noong 1967 na Populorum Progressio o On The Development of Peoples na mahalagang bigyang katwiran ang pamamahagi ng yaman ng mundo lalo na sa mga mahihirap tulad ng mga magsasaka na matiyagang nagsasaka sa lupang hindi naman sa kanila.