401 total views
Kinundina ng Archdiocese of Cebu ang kawalang galang at pambabastos ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan ng Cebu at Megawide Corporation sa Banal na Misa na isinagawa ng Cebu Archdiocesan Social Advocacies (CASA) para sa mga vendor ng Carbon Market na denimolish upang bigyang-daan ang modernisasyon ng pamilihan.
Sa pahayag ni Archdiocese of Cebu Vicar for Social Advocacies Rev. Fr. Nazario Ace Vocales, VF, nararapat gumawa ng naaangkop na hakbang ang lokal na pamahalaan sa hindi katanggap-tanggap na inasal ng kanilang mga kawani laban sa kasagraduhan ng Banal na Misa.
“The Archdiocesan Social Advocacies celebrated a Holy Mass in solidarity with the vendors of Carbon market who are facing the unjust demolition of their stalls. While we were celebrating Mass, some employees of the Cebu City Government and Megawide Corporation intentionally began playing loud music to disrupt the solemnity of this observance. We denounce the gross disrespect of this religious activity and urge the City Government to take action against the personnel involved,” pahayag ni Fr. Vocales.
Pinuna din ng pari ang hindi napapanahong modernization sa pamilihan at sapilitang pagpapalayas sa mga vendors ng Carbon Market na pinakamalaki at matandang pamilihan sa syudad.
Ayon kay Fr. Vocales, hindi naaangkop ang pagkakaroon ng kagalakan ng sinuman sa paghihirap ng kanilang kapwa o kababayan na magdurusa dahil sa pagkawala ng kanilang kabuhayan.
“It is not enough for them that they are implementing an insensitive and unreasonable directive in demolishing the stalls of our Carbon market vendors who have been burdened by the hardships of the pandemic and of the recent economic dislocations we are all experiencing. They take delight in the suffering of their fellow Cebuanos as they endure the pain and suffering of losing the humble stalls which is the source of the daily livelihood which they and their families rely on,” dagdag pa ni Fr. Vocales.
Tiniyak ng Pari na kaisa ng mga vendor ng Carbon Market ang Simbahang Katolika sa pananawagan sa lokal na pamahalaan na isama ang lahat sa planong modernization ng pamilihan at huwag isantabi ang sinuman upang paboran ang iilang mamumuhunan.
“We stand with the vendors in their call to modernize the Carbon Market with the participation of all stakeholders and without depriving them of their livelihood and the consumers with the affordable price of basic commodities,” ayon pa kay Fr. Vocales.
Taong 2020 ng nagkaroon ng 50-year agreement ang lokal na pamahalaan ng Cebu at ang Megawide Corporation para sa ‘redevelopment’ ng Carbon Market kung saan bahagi ng plano ang modernization ng pamilihan at paglalagay ng transport hub gayundin ng lifestyle establishment sa lugar.
Mariin namang tinututulan ng small retail vendors ang pagpapaalis ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga kasalukuyang pwesto upang palipatin sa Bagsakan Market na 8-kilometro ang layo mula sa pamilihan.
Sa Social Doctrine of the Church bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, subalit kailangan ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nagdudulot ng paghihirap sa nakararami.