1,545 total views
Kapanalig, nakikita natin ngayon ang malalim na epekto ng social media sa buhay pamilya. Kung dati-rati, tuwang tuwa tayo sa mga social media networks dahil napaglalapit nito ang mga pamilyang nagkakawatak watak dahil sa iba ibang rason, gayang kahirapan at trabaho. Ngayon, nakikita natin kung paano napag-hahati hati ng social media ang mga magkaka-anak dahil sa iba ibang paniniwala. Ang phenomenon na ito ay hindi lamang nangyayari sa atin, kundi sa ibang parte ng mundo.
Nakita natin nitong nakaraang eleksyon kung gaano karahas ang palitan ng ng mga posts ng mga netizens sa ating bansa. Ngayong nalalapit din ang eleksyon sa USA, nakikita na rin natin ang ganitong pangyayari. Sa UK, noong referendum para sa Brexit, marami ring mga palitan ng social media post ang nagdulot ng di pagkakasundo sa mga magkakaibigan at pamilya.
Ngunit kumpara sa iabng bansa, mas Saktibo ang Pilipino sa social media, kung pagbabasehan ang Wave7 survey noong 2014 na nagpakita na ang mga Filipinos ang nangunguna sa social media engagement sa buong mundo. Batay sa survey, ang mga Filipino ay gumugugol ng halos 53 oras sa social media, habang ang global average ay nasa 43 hours lamang. Ang Wave7 survey ay inisyatibo ng UM IPG Media Brands, at sampung taon ng nagsu-survey at nagsasaliksik ukol sa social media. Ang Wave8, ang pinakahuling survey ng ahensya sy nagpapakita na “emotionally” invested ang mga netizens sa mga post na kanilang binabahagi sa social media.
Sa loob ng tahanan, ang social media ay malaki din ang epekto. Marami ng mga bata ngayon, may iba kahit dalawa o tatlong taon pa lamang, ay madalas na ang pag-gamit ng tablet o smartphone para maglaro o manood. Ang malawig na pag-gamit nito ay nakaka-apekto sa pamilya dahil hindi na napapansin ng mga bata, o kahit pa ng mga adults na gumagamit ito, ang kanilang paligid. Binabawasan nito ang interaksyon sa pamilya, at sa halip na maging dibersyon, ito na ay tila karugtong na ng katawan. Kasama na ito kahit saan. Ayon nga sa maraming eksperto, sa halip sa isa’t isa magbond ang mga miyembro ng pamilya, sa smartphone na bonded ang bawa’t isa.
Kapanalig, ang pamilya ay mahalaga. Kailangan tanggalin muna natin ang ating pagkahalina sa sa social media at aktibong makilahok sa pagpapatibay ng sariling pamilya. Limitahan natin ang ating screentime at damihan ang quality time sa ating pamilya. Ang pamilya ay kanlungan ng aktibong pagmamahal. Isabuhay natin ito. Ayon mga kay Pope Francis sa kanyang Amoris Laetitia: All Family life is a “shepherding” in mercy. Each of us, by our love and care, leaves a mark on the life of others… seeking to bring out the best in them.