191 total views
Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga naulilang pamilya ng mga manggagawang Filipino na nasawi sa trahedya sa Taiwan na huwag mawalan ng pag-asa bagkus ay patuloy na manalig sa Panginoon.
Sa pagninilay ng pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sinabi nitong dapat palakasin ng pamilya ng 3-Filipinong mangingisda na nasawi sa pagbagsak ng tulay sa Yilan Taiwan.
Pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga pamilya na si Hesus ang gumagabay sa paglalayag sa buhay sa mundo katulad ng ginagampanan ng mga kapitan ng barko.
“In this moment of loss and misfortune let us not lose our sight on God, set our vision to God, turn always to Him and trust Him all the more. Be strong as we sail on this sea of life know that Jesus is also captain of ship, much more captain of souls,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ginugunita sa misa ang mga kaluluwa nina Andree Abregana Serencio, Romulo Illustrisimo Escalicas at George Jagnis Impang sa Holy Rosary Cathedral sa Kaohsiung Taiwan.
Dumalo rin sa misa si Labor Director Rustico Dela Fuente at mga opisyal ng MECO kasama ang 14 na mga dayuhang pari at mga Filipinong komunidad sa Taiwan.
Ipinanalangin ni Bishop Santos ang katatagan ng bawat pamilya at nagpapasalamat din ito sa mga institusyon, grupo at sa pamahalaan ng Pilipinas na tumulong sa pamilya ng mga biktima ng Yilan Bridge Tragedy.
“We prayed for eternal repose of their souls, appeal for God’s grace and strength for the bereaved families and also express our gratitude and appreciation for the valuable help and gracious assistance extended government officials and Manila Economic and Cultural Office in Taiwan,” ani ni Bishop Santos.
Magugunitang unang araw ng Oktubre ng bumagsak ang Nanfangao Bridge ng Yilan kung saan nakahimpil sa ilalim nito ang ilang sasakyang pangisda kung saan 6 ang nasawi; 3 Filipino at 3 mangingisdang taga – Indonesia habang higit sampung katao naman ang nasugatan sa insidente.