1,785 total views
Naniniwala ang mambabatas mula sa Mindanao na kinakailangang palaguin at linangin ang likas na yaman na makakatulong sa ‘food security’ ng bansa.
Ayon kay Basilan Representative Mujiv Hataman-dating gobernador ng noo’y Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dapat na mamuhunan ang pamahalaan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Inihain naman ni Hataman sa kamara ang panukalang batas sa pagkakaroon ng ‘state colleges’ sa Basilan upang mapalago at mapaunlad ang kasanayanan sa pagtatanim at pangingisda na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-Basilan na makakatulong din sa panlalawigang ekonomiya.
Layunin ng House Bill 7085 o ang Basilan Agriculture and Fisheries College na mapag-ibayo ang kaalaman ng mga mag-aaral sa lalawigan sa mga makabagong paraan at teknolohiya sa sektor ng agriculture at fisheries.
‘Agriculture and fisheries are two of the main sources of Basilenos. A college that specializes in these two sectors will greatly benefit not only the citizens of Basilan but the economy of the whole provice as well,” ayon kay Hataman.
Gayundin ayon kay Hataman na siya House deputy minority leader na bukod sa pagtutuon sa agrikultura at pangisdaan ay magkaroon din ng iba’t ibang kurso sa kolehiyo upang maraming pamilian ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Sa kasalukuyan ay may 30 state colleges at universities sa Mindanao kabilang na ang Basilan State College. Naniniwala si Hataman na ang edukasyon ang isa sa paraan upang maiangat sa kahirapan ang mamamayan.
Una na ring hinikayat ng Caritas Manila-Youth Servant Leadership and Education Program ang mga kabataang scholar ng simbahan na kumuha ng kurso na may kinalaman sa agri-enterprenuer na hindi lamang makakatulong sa sariling kabuhayan kundi maging sa food security ng bansa.
Ang YSLEP ay may 5,000 college scholars ng simbahan kada taon.