234 total views
Ipinanalangin ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang pagkamatay ng isang magsasaka at pagkasugat ng 13- iba pa matapos ang madugong dispersal ng mga otoridad sa mga raliyista sa Kidapawan,North Cotabato.
Ayon kay CBCP President Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, makamtan nawa ng namatay sa insidente ang kapayapaan at kaligayahan sa piling ng ama natin sa langit.
Hinimok din ng Arsobispo ang mga mananampalataya na ipanalangin din ang pamilya ng mga biktima na hindi mag-isip ng pahihihgante sa halip ay hanapin ang kapayapaan at pananatili ng katahimikan.
Umaapela naman si Archbishop Villegas sa mga otoridad na panatilihin na maibalik ang kanilang tungkulin na magbigay ng proteksiyun sa mga mahihihna at magsulong ng kalpayapaan at tunay na katarungan .
“A death is always tragic, even more when violent death visits God’s poor. We pray for our farmers in Kidapawan. May those who died find peace and happiness in heaven. May their families not give in to the cycle of vengeance but instead seek ways to restore peace. May the police and military return to their mandate to preserve peace, protect the weak and serve justice.”bahagi ng mensahe ni Archbishop Villegas na ipinadala sa Radio Veritas
Ang mga magsasaka ay nagsasagawa ng kilos protesta upang ipanawagan sa pamahalaan na bigyan sila ng suporta sa pagkain matapos maapektuhan ang kanilang pananim ng matinding tagtuyot sa Mindanao.
Nabatid mula sa datus ng Department of Agriculture na umabot na sa 4.77 bilyung piso ang napipinsala ng el nino o tagtuyot sa loob lamang ng dalawang buwan.
Kaugnay nito, inihayag ni Caritas Manila Exe.Dir.Father Anton Pascual na magpapadala ng tulong ang social arm ng Archdiocese of Manila sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot sa Kidapawan upang maiwasan ng maulit ang nangyaring karahasan.
Sinabi ni Father Pascual na nakikipag ugnayam na ang Caritas Manila sa pamamagitan nh Radio Veritas sa Social Action Center ditector ng Diocese of Kidapawan para sa organisadong pagtulong sa mga magsasakang dumaranas ng gutom bunsod ng matinding pinsala ng el nino sa kanilang panan.