Panagutin ang dapat panagutin

SHARE THE TRUTH

 48,735 total views

Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation?

Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang kompanya na sinasabing pinopondohan noon ng kaibigan at economic adviser ni dating Pangulong Duterte na si Michael Yang. Ang mas katakataka pa, nabuo ang Pharmally ilang buwan lamang bago nito nakuha ang labintatlong malalaking kontrata sa gobyerno. 

Ang bayad na natanggap ng Pharmally ay bahagi ng 67.3 bilyong pisong COVID-19 funds na pinangasiwaan ng Department of Health (o DOH). Noong 2021, ilang buwan bago matapos ang termino ng dating pangulo, sinabi ng Commission on Audit (o COA) na may mga deficiencies o pagkukulang ang DOH sa paggamit ng pondo. Pinakamalaking puna ng komisyon ang paglilipatng 47.6 bilyong piso sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (o PS-DBM) nang walang karampatang mga dokumento. Ang PS-DBM naman ang nakipag-transaksyon sa Pharmally. Umugong tuloy ang mga alingasngas ng katiwalian. Nanindigan si dating Pangulong Duterte na imposibleng magkaroon ng nakawan sa paggamit ng bilyun-bilyong pisong COVID-19 funds. Nagbanta siyang magre-resign noon kung mapatutuyang may kurapsyon daw na nangyari.

Dalawang Lunes na ang nakararaan nang talakayin muli ang COVID-19 funds sa Mababang Kapulungan ng Kogreso. Dinidinig kasi noon ng House Committee on Appropriations ang budget performance ng DOH at PhilHealth. Mismong ang dating kalihim ng DOH na si Francisco Duque III ang nagsabing may basbas ni Pangulong Duterte ang paglilipat ng malaking bahagi ng COVID-19 funds sa PS-DBM. Siya raw ang nag-utos. Matatandaang humaharap sa mga kasong graft si Ginoong Duque at iba pang dating opisyal ng PS-DBM para sa sinasabing iligal na paglilipat ng pondo ng DOH. 

Dahil sa pag-aming ito ng dating kalihim ng DOH, sinabi ni dating Senador Richard Gordon, na nanguna noon sa imbestigasyon tungkol sa mga kontrata sa Pharmally, na hindi mangyayari ang iligal na paglilipat ng pondo kung wala si dating Pangulong Duterte. “Duterte started the wheels of corruption,” giit niya. Anong say ninyo rito, mga Kapanalig?

Hindi maikakailang malaking hamon sa ating bansa ang pandemya, at sinukat nito ang kakayahan o husay ng ating gobyerno. Kaya kung totoo ang mga akusasyon ng katiwalian sa paggasta ng bilyun-bilyong pondo ng bayan, tila sinamantala ng mga ganid ang sitwasyong iyon. Patuloy ang pagdinig sa mga kasong isinampa laban sa mga opisyal na inasahan noong pangasiwaan ang pondong para sana sa maagap na pagtugon sa pandemya. Mapanagot sana ang mga dapat managot.

Ang pagpapanagot sa mga tiwali sa pamahalaan ay bahagi ng tinatawag na government accountability. Bilang paalala sa mga mananampalataya pagkatapos ng eleksyon noong 2022, sinabi noon ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magkakaroon ng government accountability kung igigiit nating mga mamamayan ang ating karapatan sa tamang impormasyon mula sa gobyerno, dekalidad na serbisyo publiko, at malinis na pamamahala. Kaya naman, huwag sanang mabaon sa limot ang isyu ng Pharmally. Napakalaking halaga ng pera—perang mula sa ating buwis at mula sa mga inutangan ng dating administrasyon—ang nakataya. Maraming pakinabang ang napakawalan kung mapatutunayang napunta ito sa bulsa ng mga magnanakaw. Dapat ding panagutin ang mga hinayaang mangyari ito.

Mga Kapanalig, nakapapagod pero subaybayan natin ang mga isyu ng katiwalian sa pamahalaan. Kung mawawalan na tayo ng pakialam sa kontrobersyal na kaso ng Pharmally—at hahayaan nating makalusot ang mga nasa likod nito—lagi na lang tayong pagnanakawan. Tandaan natin: ang katiwalian, wika nga sa Deutoronomio 16:19, ay “bumubulag sa matatalino at nagpapahamak sa mga taong matuwid.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 10,410 total views

 10,410 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 14,389 total views

 14,389 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 25,281 total views

 25,281 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,723 total views

 37,723 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 48,490 total views

 48,490 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 10,411 total views

 10,411 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 14,390 total views

 14,390 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 25,282 total views

 25,282 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,724 total views

 37,724 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 48,491 total views

 48,491 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 47,245 total views

 47,245 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 46,790 total views

 46,790 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 49,014 total views

 49,014 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 42,514 total views

 42,514 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 41,865 total views

 41,865 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 47,733 total views

 47,733 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 51,479 total views

 51,479 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 57,429 total views

 57,429 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 37,616 total views

 37,616 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 70,093 total views

 70,093 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top