Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panahon nang maisabatas ang Mental Health Act

SHARE THE TRUTH

 731 total views

Mga Kapanalig, ang kalusugang pangkaisipan o mental health ay isa sa isyung pangkalusugan sa ating bansa na hindi gaanong napagtutuunan ng pansin sa kabila ng pagiging seryoso nito. Ilang halimbawa ng sakit na may kinalaman sa ating mentál na kalusugan ay depression, schizophrenia, addiction sa droga at alak, at post-traumatic stress disorder (na karaniwang nararanasan ng mga taong dumaan sa matinding kalamidad o pangyayari sa buhay). Walang pinipiling edad ang mga mental disorders na ito, ngunit ang mga mahihirap ang karaniwang nakararanas ng mga ito.

Maging ang suicide o pagpapatiwakal ay nakaugat sa hindi balanseng takbo ng isip. Sa tala ng World Health Organization, lampas 2,500 ang kaso ng suicide sa Pilipinas noong 2012. Sinasabing sa bawat araw, pitong Pilipino ang nagpapakamatay upang takasan ang kanilang mga problema sa buhay. Ayon naman sa ating Department of Health, tinatayang isa sa bawat limang Pilipino ay nakararanas ng psychiatric disorder. Patunay ang mga nakababahalang datos na ito tungkol sa suicide at psychiatric disorder kung bakit dapat tutukan ang mental health.

Kaya naman, magandang balita ang pagkakapasá noong isang linggo sa ikatlong pagbasa ng Senate Bill 1354 o ang Philippine Mental Health Law. Kinikilala ng panukalang batas na ito ang karapatan ng bawat Pilipino sa maayos na kalusugang pangkaisipan at ang karapatan ng mga taong may sakit sa pag-iisip na makatanggap ng maayos at abot-kayang serbisyo upang bumuti ang kanilang kalagayan. Nilalayon ng batas na makapagbigay ng maayos na psychiatric, psychosocial at neurologic services ang mga pampublikong regional at provincial hospitals. Sa mga paaralan, lugar ng trabaho, at mga komunidad ay magsasagawa naman ng malawakang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mental health. Magtatatag din ang pamahalaan ng programang magsasanay sa mga tagapagbigay ng serbisyo upang maging mas epektibo sila sa pagtulong sa mga pasyente.

Mga Kapanalig, ang bawat tao ay nilikhang kawangis at ayon sa larawan ng Diyos. Sa katotohanang ito nakaugat ang ating dignidad na hindi nabubura anuman ang estado ng kalusugan ng ating pangangatawan at pag-iisip. May magandang paalala sa atin si San Juan Pablo II mula sa kanyang talumpati sa International Conference for Health Care Workers mahigit 20 taon na ang nakalipas. Sabi niya, “Whoever suffers from mental illness ‘always’ bears God’s image and likeness in themselves, as does every human being. In addition, they ‘always’ have the inalienable right not only to be considered as an image of God and therefore a person, but also to be treated as such.”[1] Ang mga taong may karamdaman sa pag-iisip ay katulad nating nilikhang kawangis ng Diyos, may dignidad na kailangang kilalanin at pagkatao na dapat igalang.

Ngunit hindi garantiya ang pagkakaroon ng batas na sapat nang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kapatid nating may problema sa kanilang mental health. Nagsisimula ang pagtugon sa ating mga tahanan, sa ating mga komunidad, sa mga paaralan at lugar ng hanapbuhay. Malaki ang papel ng pagkakaroon natin ng magandang relasyon sa ating mga kapamilya, kaibigan, katrabaho at mga nakakahalubilo sa pagpapabuti ng kanilang kalusugang pangkaisipan, lalo na’t ang kadalasang mga biktima ng mental disorders ay mga taong uhaw sa kalinga, pag-unawa, at pagmamahal.

Patuloy din ang pag-uudyok sa ating lahat na tularan ang ginawa ni Hesus sa mga taong isinasantabi ng lipunan dahil sa kanilang karamdaman sa pag-iisip—ang sila ay mahalin at kalingain. Upang magawa natin ito, kailangan nating iwaksi ang ating mga takot at mga mali at mapanghusgang pananaw tungkol sa mga taong may sakit sa pag-iisip.

Ngayong pasado na sa Senado ang Mental Health Act, hinihintay naman ang Mababang Kapulungan na magpasá ng katulad na panukalang batas upang opisyal nang maging patakaran ng pamahalaan ang pagtulong sa mga mga Pilipinong malampasan ang kanilang mga problema sa kalusugang pangkaisipan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 54,677 total views

 54,677 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 65,752 total views

 65,752 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 72,085 total views

 72,085 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 76,699 total views

 76,699 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 78,260 total views

 78,260 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 54,678 total views

 54,678 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 65,753 total views

 65,753 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 72,086 total views

 72,086 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 76,700 total views

 76,700 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 78,261 total views

 78,261 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,917 total views

 44,917 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,578 total views

 67,578 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,154 total views

 73,154 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,635 total views

 78,635 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,748 total views

 89,748 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,747 total views

 85,747 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,449 total views

 73,449 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,931 total views

 81,931 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,990 total views

 74,990 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,914 total views

 81,914 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top