Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panahon para manindigan at makialam

SHARE THE TRUTH

 162 total views

Mga Kapanalig, matagal nang usapin at debate kung dapat bang nakikialam ang mga itinuturing nating lider sa Simbahan—katulad ng mga pari at madre—sa mga isyung panlipunan at mga bagay na may kinalaman sa pulitika. Sa kanyang homilya dalawang linggo na ang nakalipas, nanawagan si Bishop Broderick Pabillo, ang Apostolic Administrator ng Arkidiyosesis ng Maynila, sa kanyang mga kapwa pastol na huwag manahimik, bagkus ay manindigan laban sa kasamaan sa ating lipunan. Inilarawan niya ang karamihan sa mga lider ng Simbahan ngayon bilang mga watchdogs o tagapagbantay na walang lakas-loob tumahol at tikóm ang mga bibig sa harap ng kaliwa’t kanang patayan, red-tagging, at iba pang pang-aabuso sa karapatang pantao sa ating bayan.

Paalala rin ng obispo, hindi dahilan ang COVID-19 pandemic upang maging malayo ang mga lider ng Simbahan mula sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. Aniya, nangangailangan ang mga tao ng isang Simbahang kumukupkop sa kanila at nagsasalita kasama nila. Gaya ng sinabi ni Papa Francisco sa isang panayam, ang mga namumuno sa Simbahan ay dapat umaalalay sa kanilang kapwa, katulad ng mabuting Samaritano. Dapat silang maging kalakbay ng mga karaniwang tao sa madilim na gabi, at marunong makipag-usap at bumaba sa kanilang karanasan. Sa panahon ngayong marami ang tila dumaraan sa isang lagusang tanging dilim at kawalan ng katiyakan ang bumabalot, inaasam-asam ng kawan ang liwanag na maaaring ibigay ng Simbahan.

 

PSD Toktok

 

Mayroong papel ang mga namumuno at susumunod sa halimbawa ni Hesus na magsalita laban sa pang-aapi, ipagtanggol ang mga napabayaan, at gabayan ang kanilang pamayanan tungo sa pag-unlad. Sa tuwing sumusobra o may pagkukulang ang pamahalaan, nangunguna dapat ang mga lider ng Simbahan na palakasin ang boses ng mga biktima ng kawalang-katarungan. Kailangan tumindig ng Simbahan at magsalita kasama ang mga taong ito, lalo na ang mga isinasantabi. Mahalagang paalala para sa mga ministro ng Simbahan ang nakasaad sa Filipos 2:4 na huwag lang ang sariling kapakanan ang isipin kundi ang kapakanan din ng iba. Akma ring paalala ang Micas 3:1 kung saan sinabi sa mga pinuno ng Israel at Judea na katarungan ang dapat nilang ipinaiiral. Mapanganib na manatiling tikóm ang bibig ng mga lider ng Simbahan para lamang maging kaayaaya ang kanilang imahe sa mga may tangan ng kapangyarihan sa pamahalaan. Mahalagang alam ng mga namumuno sa Simbahan ang mga pangyayari sa komunidad nang sa gayon ay magawa nilang makialam at makisangkot sa pagtulong sa mga taong lumaya mula sa kahirapan, katiwalian, karahasan, at pang-aabuso. Gaya ng sabi sa Justicia in Mundo, ang pagkilos para sa katarungan at pakikilahok sa pagbabago ng mundo ay bahagi ng pagpapahayag ng Ebanghelyo. Misyon ito ng Simbahan para sa kaligtasan ng sangkatauhan at sa paglaya nito mula sa anumang mapagpahirap o mapang-aping kalagayan. Malaki ang responsibilidad ng Simbahan na maging bahagi ng pagdadala ng pagbabago at kaginhawaan sa komunidad at gamitin ang kanilang kakayanan at resources upang iangat ang mga taong lugmok sa kahirapan at karahasan.

Mahalagang pagtuunan din ng pansin ng Simbahan ang mga social sins o mga kasalanang panlipunang katulad ng extrajudicial killings at korapsyon, hindi dahil may galít ito sa mga taong nakaupo sa pamahalaan kundi dahil ito ay mga isyung humahadlang sa kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, mahalaga ang pakikialam at aktibong partisipasyon ng Simbahan sa mga usaping panlipunan. Hindi lamang dapat ito nakatuon sa mga bagay na ginagawa sa isang lugar katulad ng pagsamba at pagdarasal. Kasama rin sa tungkulin ng Simbahan—kapwa mga relihiyoso at layko—na magsalita tungkol sa mga istrukturang panlipunang pumipigil sa paglago ng mga mamamayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,004 total views

 5,004 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,119 total views

 15,119 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,696 total views

 24,696 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,685 total views

 44,685 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,789 total views

 35,789 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,005 total views

 5,005 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,120 total views

 15,120 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 24,697 total views

 24,697 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,686 total views

 44,686 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 35,790 total views

 35,790 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,030 total views

 40,030 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,599 total views

 43,599 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,055 total views

 56,055 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,122 total views

 67,122 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,441 total views

 73,441 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,053 total views

 78,053 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,614 total views

 79,614 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,175 total views

 45,175 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,836 total views

 67,836 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,412 total views

 73,412 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top