Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin at pag-alala sa mga yumao

SHARE THE TRUTH

 1,786 total views

Mga Kapanalig, ngayon ginugunita ang Araw ng mga Kaluluwa. Makabuluhan ang araw na ito para sa mga nawalan ng mahal sa buhay. Inilalaan ng marami ang araw na ito para sa pagbisita sa sementeryo kung saan nakahimlay ang kanilang yumao. May mga nag-aalay ng bulaklak, nagtitirik ng kandila, at nag-aalay ng dasal para sa mga kaluluwa.

Nakaugat ang tradisyong ito sa paniniwalang sa pamamagitan ng pagdarasal, nalilinis ang kaluluwa ng mga nasa purgatoryo. Kailangan ng mga nangamatay ng panalangin upang sila ay maging banal at mapasama sa kaharian ng Panginoong Diyos. Marahil marami sa ating ipinagtitirik ng kandila at ipinagdarasal ang mga namayapang malalapít na kaanak. Ngunit sa pagkakataong ito, alalahanin din natin ang mga kaluluwa ng mga taong pinagkaitan ng karapatang mabuhay. Sa ating lipunan, sila ang mga biktima ng madugong giyera kontra-droga, mga kritikong pinatahimik gamit ang dahas, at mga biktima ng kawalan ng katarungan. Marami sa kanila ay mga human rights activists, mga tagapagtanggol ng kalikasan, mga katutubong lider, mga human rights lawyers, at mga mamamahayag. Hindi man natin sila personal na kakilala, atin din silang alalahanin at alayan ng panalangin.

Sa nakalipas na anim na taon, mahigit anim na libo ang mga indibidwal na namatay dahil sa anti-drug operations ng pulisya. Ito ang bilang ng mga pinatay dahil nanlabán umano. Nasa 30,000 naman ang mga pinatay ng mga vigilante o riding-in-tandem na mga armadong lalaki. Mula 2016 hanggang 2020, 166 na ang mga pinatay na land and environmental defenders. Pinupuntirya rin ang mga mamamahayag, lalo na ang mga kritikal at pumupuna sa katiwalian ng mga nasa gobyerno. Ayon sa National Union of Journalists in the Philippines (o NUJP), umabot na sa 197 ang mga mamamahayag na pinatay sa bansa mula noong 1986. Kamakailan lang, pinaslang si Percival Mabasa na mas kilala bilang Percy Lapid, ang pang-apat na mamamahayag na pinatay ngayong taon lamang. Hanggang ngayon, karamihan sa kanila ay naghahanap pa rin ng hustisya dahil kalimitan sa mga salarin ay basta na lamang nakatatakas at hindi nakikilala.

Ngayong Araw ng mga Kaluluwa, ipagdasal nating nawa’y nasa mapayapang kalagayan ang kaluluwa ng mga sumakabilang-buhay. Kaakibat nito ang patuloy na panawagan para sa hustisya para sa mga taong biktima ng karahasan at pinagkaitan ng karapatang mabuhay. Mahalagang malakas ang ating pananampalataya na igagawad ng Panginoon ang katarungan at kapayapaang nararapat sa mga biktima ng walang habas na patayan dito sa lupa. Gaya ng paalala sa Gaudium et Spes, sa bawat taong labis na nag-aalala, isang matatag at matibay na pananampalataya ang nagbibigay kasagutan sa kanyang pagkabalisa tungkol sa kung ano ang kahahantungan niya. Kasabay nito ang pananampalatayang nagbibigay kapangyarihan sa kanyang makiisa kay Kristo kasama ang kanyang mga yumaong mahal sa buhay; pinatatatag ng pananampalataya ang pag-asang natagpuan na ng mga yumao ang tunay na buhay kasama ang Diyos.

Mga Kapanalig, sa kabila ng laganap pa ring karahasan, takot, at kabalisahan, manatili nawang buháy ang alaala ng mga biktima ng war on drugs, ang dedikasyon at pagsisikap ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao ng mga inaapi, at ang mga katotohanang itinataguyod ng mga mamamahayag. Magkaroon sana tayo ng mabuting intensyon at pagmamalasakit sa kapwa upang makatagpo ng tunay na kapahingahan sa wakas ng ating buhay sa lupa. Wika nga sa 2 Corinto 5:9-10, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa Panginoon, “sapagkat lahat tayo’y haharap sa hukuman ni Kristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo’y nabubuhay pa sa katawang ito.” Gaya ng mga alaala ng mga yumaong mahal natin sa buhay, huwag nating hayaang mapasama sa hukay ang boses ng mga taong biktima ng kawalang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,725 total views

 16,725 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,381 total views

 31,381 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,496 total views

 41,496 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,073 total views

 51,073 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,062 total views

 71,062 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,726 total views

 16,726 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,016 total views

 2,016 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,382 total views

 31,382 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,497 total views

 41,497 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 51,074 total views

 51,074 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,063 total views

 71,063 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,411 total views

 47,411 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,436 total views

 42,436 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,005 total views

 46,005 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,460 total views

 58,460 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,527 total views

 69,527 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,846 total views

 75,846 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,457 total views

 80,457 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,017 total views

 82,017 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,578 total views

 47,578 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top