360 total views
Hinikayat ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na labanan ang anumang hadlang upang makapag-alay ng panalangin sa Panginoon. ‘
Sa pagninilay ng santo papa sa lingguhang general audience binigyang diin nito na ang sarili ang pinakamatinding kalaban sa buhay pananalangin.
“The worst enemies of prayer are found within us; Some doubt that prayer can truly reach the Almighty: why does God remain silent? If God is Almighty, He could say a couple of words and end the matter,” bahagi ng pagninilay ni Pope Francis.
Ipinaliwanag ng santo papa na kadalasang dahilan sa pagkahiwalay ng tao sa Panginoon ay ang pagkabigong makamit ang mga kahilingan tuwing nananalangin.
Sinabi pa ng punong pastol na mahalagang suriin at pagnilayan ng bawat isa ang bawat kaloob na tinatamasa sa araw-araw kung saan isang magandang halimbawa ang pagsilay sa panibagong araw.
Sa pananalasa ng coronavirus pandemic sa buong mundo umabot na sa higit 100-milyong indibidwal ang nahawaan habang higit sa tatlong milyon dito ang nasawi.
Sa mga ganitong pagsubok sa buhay mahalaga ayon kay Pope Francis na kumapit sa Panginoon at pag-ibayuhin ang buhay panalangin.
“In times of trial, it is good to remember that we are not alone, that someone is watching over us and protecting us,” ani Pope Francis.
Sa Pilipinas pinaigting naman ng simbahan ang pagpapalaganap ng mga programang makatutulong mapaunlad at mapagtibay ang espiritwalidad ng mamamayan sa gitna ng naranasang krisis pangkalusugan.
Halimbawa rito ang E-Pray na inilunsad ng Diocese of Novaliches na layong mag-prayover via online sa mga taong nahawaan ng COVID-19 at ang isinusulong ng Diocese of Kalookan na Virtual Ecclesial Community.