686 total views
Nawa ay manaig ang dakilang awa ng Panginoon tungo sa paghihilom sa mga nasirang ugnayan ng magkakapamilya at magkakaibigan dulot ng katatapos lamang na halalan sa Pilipinas.
Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, bagama’t kinakailangan ng mahabang panahon bago ang mapawi ang galit, maari itong simulan sa pagtanggap na ang nagwagi ay ang kalooban ng higit na nakakaraming botante ay dapat igalang.
“May the Merciful Love of God heal strained and ruined relationships during the elections. This takes time. We start by accepting that each person is considered one vote and the WILL of the majority of voters is to be respected. The will of God is to work for the common good. We may eventually find ourselves discussing or debating on specific things that promote the common good but this is encouraged in a Democratic country,” ayon sa Facebook post ni Bishop Dimoc.
At sa kabila ng patuloy na pagtatalo ay kapwa makita ng dalawang panig ang mga bagay na nagtataguyod ng kabutihang panlahat na hinihikayat saa isang demokrating bansa.
Ayon pa kay Bishop Dimoc, “In the darkness of decision-making, may the light of God’s will be followed by the elected officials so that the quality of life of people, especially the marginalized, may improve.”
Umaasa din ang obispo na nawa’y ang kaliwanagan ng kalooban ng Panginoon ang sundan ng mga halal na opisyal ng bayan tungo sa pag-unlad hingi lamang ng iilan kundi higit ang mga nasa laylayang pamayanan.
Sa pinakahuling tala ng Comelec partial-unofficial result, nanatiling malayo ang agwat ng boto ni presidential candidate Bongbong Marcos laban sa katunggaling si VP Leni Robredo.