Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

SHARE THE TRUTH

 9,976 total views

Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna.

Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang magbibigay-lakas at magliligtas sa kabila ng mga panganib.

Panalangin ng Pag-asa at Katatagan sa Gitna ng Unos

O Mahal naming Ama,
patuloy kaming naninikluhod sa Inyong mapagmahal na kalooban.

Bigyan Mo po kami ng malalim na pananalig sa Iyong pagmamahal.

Habang ang mga mapinsalang bagýo ay dumaraan sa aming bansa,
mas maging matatag nawa ang aming paniniwala.

Habang kami ay nasasaktan sa hampas ng malalakas na hangin at ulan,
maging mas mahigpit nawa ang aming paghawak sa Iyong nagliligtas na mga kamay.

Habang ang kapaligiran ay napupuno ng bahá,
mas lumutang nawa ang aming pag-asa sa Iyong kakayahang maibangon muli
ang aming buhay at kabuhayan.

Panginoon, sa Iyo kami umaasa;
sa Iyo kami nananalig;
sa Iyo kami kumukuha ng lakas;
sa Iyo kami nabubuhay.

Ama, magmadali po Kayo sa pagtulong sa amin!

Amen!

MOST REV. JOSE ELMER I. MANGALINAO, D.D.
Bishop, Diocese of Bayombong

Samantala, ibinahagi ni Bayombong Diocesan Social Action Center (DSAC) Director, Fr. Christian Dumangeng, na patuloy ang pagtulong ng diyosesis sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Nika.

Ayon kay Fr. Dumangeng, namahagi ang DSAC ng relief goods sa mga apektadong lugar, lalo na sa lalawigan ng Quirino, na labis na napinsala ng bagyo, gayundin sa ilan bahagi ng Nueva Vizcaya.

Tinatayang nasa halos 1,000 katao mula sa Quirino at Nueva Vizcaya ang nananatili sa mga evacuation centers.

“Nagsagawa po kami ng relief operations sa province ng Quirino, which is part ng Diocese of Bayombong, at ngayon naman to some parts of Nueva Vizcaya. Still recovering pa rin ang mga affected ng Bagyong Nika. Mostly flooding ang dahilan ng kanilang paglikas,” ayon kay Fr. Dumangeng sa panayam ng Radyo Veritas.

Patuloy namang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration PAGASA) ang Bagyong Ofel, na humihina habang kumikilos papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, itinaas na sa typhoon category ang Bagyong Pepito, na patuloy pang lumalakas habang papalapit sa bansa.

Posible itong umabot sa super typhoon category at inaasahang magla-landfall sa Eastern Bicol o Aurora sa Linggo, kung saan maaaring umabot ang wind warning sa Signal No. 5.

Paalala ng PAGASA na maaari pang magbago ang track forecast ng Bagyong Pepito, kaya’t hinihikayat ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga ulat.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi nakakatawa

 2,148 total views

 2,148 total views Mga Kapanalig, mababasa natin ang paalalang ito sa Tito 2:7-8: “Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo.” Hindi tumatatak ang mga salitang ito kay dating Pangulong

Read More »

Be Done Forthwith

 18,106 total views

 18,106 total views Kapanalig, ito ang binibigyan-diin ng Article XI, Section 3, paragraph 4 ng 1987 constitution na kautusan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso o Senado sa aksyon sa isang impeachment case na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara. Malinaw na kapag natanggap ng Senado ang verified complaint o impeachment resolution na inihain

Read More »

Sino Ang Nagsi-Sinungaling

 26,443 total views

 26,443 total views Sa ating bansa, usong-uso ang price hike… lahat na lamang ng pangunahing bilihin at serbisyo publiko., tumataas ang halaga o presyo. Ang sagot nating mga Pilipino, maghigpit ng sinturon. Paano naman Kapanalig kung wala kang pambili? Nagdeklara na ang Department of Agriculture ng national food security emergency. Katwiran ng DA, upang matugunan ang

Read More »

A Total Disaster

 28,826 total views

 28,826 total views Give voice to the voiceless! Dalisay ang hangarin ng mga framers ng 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas… Ang magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga mahihirap at under-privileged na mga Pilipino. Dahil sa pangarap na ito, naisabatas ang Partylist System Act o Republic Act No.7941 noong 1991

Read More »

Hindi biro ang karahasan at kapansanan

 40,673 total views

 40,673 total views Mga Kapanalig, umani ng batikos si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa kanyang insensitibong komento sa itsura ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña. Kasama si Reprepresentaive Cendaña sa grupong nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte. Kilala namang malapít na kaalyado ng mga Duterte si Senador Bato. Kinutya ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Michael Añonuevo

Sama-samang pananalangin sa kagalingan ni Pope Francis, isasagawa ng Archdiocese of Lipa

 1,176 total views

 1,176 total views Hinikayat ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang mga mananampalataya na makiisa sa pananalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco. Sa inilabas na liham-sirkular, nanawagan si Archbishop Garcera sa mga pari, relihiyoso, at mga layko na mag-alay ng Banal na Misa, panalangin ng Santo Rosaryo, at mga personal na panalangin upang makamit

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Misa para sa kagalingan ni Pope Francis, pinangunahan ni Cardinal David

 1,615 total views

 1,615 total views Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang Banal na Misa upang hilingin ang kagalingan ni Pope Francis. Ginanap ang pagdiriwang nitong February 20, sa Cathedral Parish of San Roque, ang patron ng mga may karamdaman at nagdurusa, sa Caloocan City. Tugon ito ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tumutulong sa charity patients, pinasasalamatan ng UP-PGH Chaplain

 2,320 total views

 2,320 total views Nagpasalamat ang head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa mga patuloy na nagbibigay ng tulong para sa mga charity patients ng ospital. Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, biyaya mula sa Diyos ang mga donasyon mula sa mga may mabubuting puso, na nagiging daan upang mapabuti ang serbisyo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Alyansa Tigil Mina, Kinondena ang Pagpapalawig ng FTAA para sa Tampakan Mining Project

 3,000 total views

 3,000 total views Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpapalawig ng Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) para sa Tampakan copper-gold mining project ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI), na kanilang tinawag na isang mapanganib na precedent sa sektor ng pagmimina. Ayon kay Rene Pamplona, chairperson ng ATM at Convergence of Initiatives for Environmental Justice

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

CBCP-ECHC, nakikiisa sa panalangin sa agarang paggaling ni Pope Francis

 2,508 total views

 2,508 total views Nakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) sa panalangin para sa agarang paggaling ni Pope Francis. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary at Camillian priest na si Fr. Dan Cancino, tulad ng karaniwang tao, ang Santo Papa ay nagkakasakit din ngunit patuloy siyang nagiging inspirasyon, lalo na sa mga

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

P400-milyong bawas sa alokasyon sa mga katutubo, kinundena

 3,239 total views

 3,239 total views Mariing kinondena ni Franciscan priest, Fr. Angel Cortez, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), ang P400-milyong bawas sa alokasyon para sa mga katutubo. Ayon kay Fr. Cortez, ito’y isang malaking kahibangan, lalo’t ang mga katutubo ang itinuturing na likas na tagapangalaga ng kalikasan. Aniya, napakalaking halaga ng pondo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapalaya sa Magsasaka Partylist nominee, apela ng ATM sa PNP

 3,617 total views

 3,617 total views Umaapela ang Alyansa Tigil Mina sa mga kinauukulan sa agarang pagpapalaya kay Magsasaka Partylist nominee Lejun dela Cruz. Kilala si Dela Cruz bilang lider ng mga manggagawa at magsasaka, tagapagtanggol ng mga nasa laylayan at karapatang pantao, kabilang ang pagtutol sa mapaminsalang malawakang pagmimina. Gayunman, si Dela Cruz ay sinasabing biktima ng tangkang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Malawakang pagpuputol ng INC ng mga puno sa Brooke’s Point, kinundena

 4,821 total views

 4,821 total views Nagpahayag ng saloobin si Brooke’s Point, Palawan Vice Mayor Mary Jean Feliciano kaugnay sa mapaminsalang epekto ng pagmimina sa lugar. Ayon kay Feliciano, mahigit 28,000 libong indigenous at endemic na puno ang pinagpuputol upang bigyang-daan ang large scale mining operations sa Barangay Maasin, Brooke’s Point. Si Feliciano, na dating alkalde ng Brooke’s Point,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Prayer and action is prayer in action

 5,445 total views

 5,445 total views Iginiit ng head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ang mahalagang ugnayan ng pananalangin at pagkilos na humahantong sa makabuluhang gawain para sa kapwa. Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, ang panalangin ay hindi lamang nakatuon sa paghingi o pasasalamat, kundi dapat magsilbing gabay at lakas upang kumilos sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Gawing bahay ng pag-asa ang lipunan, paalala sa simbahan ng World Day of the Sick

 5,132 total views

 5,132 total views Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat na patuloy na yakapin ang mahabaging pag-ibig ng Diyos. Ito ang mensahe ni Camillian priest, Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, para sa ika-33 World Day of the Sick na kasabay ng Kapistahan ng Mahal na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, umaapela ng tulong

 6,107 total views

 6,107 total views Patuloy na nananawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) para sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng shearline sa Puerto Princesa City, at mga karatig na bayan sa Southern Palawan. Ayon sa huling update ng AVPP-Commission on Social Action, umabot na sa kabuuang P14,300 ang nalikom na donasyon

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan ng Palawan, nanawagan ng tulong para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha

 6,231 total views

 6,231 total views Patuloy na nananawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) para sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng shearline sa Puerto Princesa City, at mga karatig na bayan sa Southern Palawan. Ayon sa huling update ng AVPP-Commission on Social Action, umabot na sa kabuuang P14,300 ang nalikom na donasyon

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagmamalasakit sa kapwa, parangal kay Inang Maria

 5,578 total views

 5,578 total views Ipinapaalala ng Mahal na Birheng Maria na magtiwala at umasa sa kapangyarihan at pagmamalasakit ng Panginoong Hesukristo. Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes, kasabay ng 33rd World Day of the Sick sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipagkatiwala sa Mahal na Ina ang kagalingan ng mundong maysakit

 6,747 total views

 6,747 total views Nanawagan si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona sa mga mananampalataya na ipagkatiwala sa Mahal na Ina ang kagalingan ng mundo, na kanyang inilarawan bilang may sakit. Sa pagninilay para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes sa Ipilan, Brooke’s Point, Palawan, binigyang-diin ni Bishop Mesiona na ang pagbabago ng klima ay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkalinga sa mga maysakit at nagdurusa, mensahe ng Obispo sa 33rd World Day of the Sick

 6,630 total views

 6,630 total views Binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagbibigay-pugay at pagkalinga sa mga maysakit at nagdurusa. Ito ang mensahe ni Bishop Santos kaugnay sa Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes, kasabay ng ika-33 Pandaigdigang Araw ng May Sakit o World Day of the Sick ngayong araw. Ayon kay Bishop

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top