2,254 total views
Hiniling ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa kalakasan ng Santo Papa Francisco.
Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng simbahang katolika ng Pope’s Day sa June 29 kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.
“Let us continue to live and pray for the Holy Father, Pope Francis’ health and well-being. We pray for his greater sanctity as we all strive to be holy ourselves in imitation of our Blessed Mother who is all YES to the Father in heaven.” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Batid ng arsobispo ang kahalagahan ng mga panalangin para sa kalusugan ng Santo Papa lalo’t ito’y naghahanda sa kanyang pagdalo sa World Youth Day sa Lisbon Portugal ngayong Agosto.
“I know that his World Youth Day Bag and Kits are ready and nothing can stop him from journeying like Mary who “arose and went with haste.” We join our Pope Francis as he keeps this ‘vigil’ until August for these special days of encounter.” ani ng cardinal.
Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang mensahe ng punong pastol sa mga kabataan na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, maging liwanag at pag-asa sa mga pinanghihinaan sa tulong at gabay ng Panginoon.
Dalangin ni Cardinal Advincula ang kalakasan ng santo papa para patuloy na gampanan ang misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.
“We lift up to the Lord our beloved Pope Francis. May his leadership and shepherding of the church be continuously inspired by your Holy Spirit and placed under the mantle of the Immaculate Mother of God.” dagdag ni Cardinal Advincula.
Matatandaang makailang beses sumailalim sa operasyon si Pope Francis dahil sa mga karamdaman subalit patuloy pa rin nitong ginagampanan ang mga tungkulin sa simbahan.
Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Pope’s Day Mass sa alas sais ng gabi sa Minor Basilica of the ImmaculateConception Cathedral o Manila Cathedral kasama si Cardinal Advincula at iba pang mga obispo.
Bubuksan din ng Manila Cathedral ang The Popes in the Philippines exhibit kung saan tampok ang iba’t ibang memorabilia ng mga santo papang dumalaw sa bansa na sina St. Paul VI, St. John Paul II at Pope Francis.
Ang dalawang apostol ang pangunahing nagtaguyod sa simbahang itinatag ni Kristo sa sanlibutan kung saan ipinagkatiwala ni Hesus kay San Pedro ang simbahan habang si San Pablo naman ang nangaral sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang maihatid ang Mabuting Balita ng Panginoon.