15,339 total views
Nagkaisa ang mga Obispo ng Diyosesis ng Bacolod, Kabankalan, at San Carlos Negros Occidental sa pananawagan upang ipanalangin ang paggabay ng Panginoon para sa kinabukasan sa bansa.
Sa nagkakaisang pahayag nina Bacolod Bishop Patricio Buzon, Kabankalan Bishop Louie Galbines, at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na may titulong A Call for Truth in Constitutional Reform kaugnay na rin sa panukalang nagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas.
Ayon sa mga Obispo, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Panginoon upang magkaroon ng mas malinaw na kamalayan at paninindigan tungo sa kabutihan ng bayan.
“Let us pray for discernment and guidance in these challenging times. May the Holy Spirit enlighten our minds and hearts, guiding us to work together towards a society where the dignity of every person is upheld and the welfare of the common good is the priority.” ang bahagi ng pahayag ng mga obispo.
Pinuna rin ng mga Obispo ang mga ulat ng hindi naaangkop na paraan ng pangangalap ng lagda o people’s initiative nang hindi ipinapaliwanag sa publiko, gayundin ang ulat ng panunuhol.
“The Church categorically condemns such practices and calls for integrity in all civic engagements, reminding us that our actions must always reflect the values of truth, justice, and the common good.” Dagdag pa ng mga Obispo ng Negros Occidental.
Muling nanawagan sa mamamayan ang mga pinuno ng Simbahan na maging mapanuri, at mapagbantay sa mga nangyayari sa lipunan lalo na sa tangkang pagbabago ng Konstitusyon para sa kapakinabangan ng iilan.
Ayon pa sa pahayag; “In the face of these challenges, it is imperative that we, as a community of faith, engage critically and make informed decisions. We urge you, therefore, to seek a deep understanding of these proposals.”