381 total views
Mariing kinundena ng Stella Maris Philippines ang digmaang dulot ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop promoter ng grupo na buong pamayanan ang apektado ng digmaan at walang maidudulot na kabutihan sa lipunan.
“There are no victors in war, all are victims. War is cruelty all are lost in war, all suffers. It is scourge to humanity and it is just death and destruction,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.
Apela ni Bishop Santos sa mga lider lalo na sa international community na magtulungang kumilos para mahinto ang sigalot ng Russia at Ukraine at maiwasan ang labis na pinsala lalo na sa ekonomiya hindi lamang sa dalawang bansa kundi ng buong daigdig.
Sinabi ng opisyal na malaking epekto sa kalakalan ng mundo ang tensyon ng dalawang bansa kaya’t labis ang pinsalang maidudulot nito sa ekonomiya.
“War jeopardizes global maritime trade, disrupts global supply chain. Shipping is responsible for the movement of 90% global trade. With the sacrifices and services of seafarer’s food and fuel, medicines and machineries reach their destinations,” ani Bishop Santos.
Sa tala naman International Charter of Shipping nasa 14.5 percent ng global shipping force ay nagmula sa Ukraine at Russia.
Sa datos naman ng Stella Maris Philippines halos kalahating milyong Filipino seafarers ang nangangasiwa sa 60, 000 barko sa buong daigdig.
Binigyang diin ni Bishop Santos na higit kinakailangan ng world maritime trade ang shipping industry upang manatiling buhay ang sektor ng kalakalan.
Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Santos ang mamamayan na taimtim ipanalangin at idulog sa Panginoon ang pagpapanibago upang matamo ng Ukraine ang kapayapaan.
“Let us pray without ceasing, begging our almighty God for the change of hearts of those who deeply involved, conversion that all will be open to dialogue, to diplomacy and give peace a chance,” saad ng obispo.
Kaisa rin ang grupo sa panawagan ni Pope Francis na ‘A Day of Prayer and Fasting’ ngayong Ash Wednesday para sa pagtatapos ng digmaan at katiwasayan ng pamayanan.
“We, the chaplains of Stella Maris-Philippines, are one with our Holy Father, Pope Francis in prayers, in sacrifices and fasting for the peaceful resolution and all involved will come out to contrition, compassion; we are always praying for peace and for the protection of seafarers, vessels and cargo. We offer our Holy Masses for the safety of all, respect to human life and end to this war,” giit ni Bishop Santos.