Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pananalangin, inilunsad bilang paghahanda sa bagong obispo ng Gumaca

SHARE THE TRUTH

 8,264 total views

Ipinag-utos ng Diocese of Gumaca sa pamamagitan ng liham sirkular ni Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte ang pag-usal ng mga panalangin ng paghahanda para sa bagong obispo.

Ito ang hakbang ng diyosesis makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Euginius Cañete, MJ bilang ikaapat ng obispo ng Gumaca, Quezon.

Sinabi ni Fr. Uriarte na dadasalin ang panalangin sa lahat ng misa sa mga parokya, mission station, monasteryo, seminaryo, parochial schools at iba pang pook-dalanginan ng diyosesis bilang pakikiisa sa paghahanda ni Bishop-elect Cañete.

“Ipanalangin natin sa Diyos ang paghahanda ni Bishop-elect Eugene para sa kanyang tungkulin bilang Lingkod-Pastol ng ating Diyosesis,” bahagi ng mensahe ni Fr. Uriarte.

September 30 nang inanunsyo ng Vatican ang paghalal kay Bishop-elect Cañete bilang punong pastol habang kasalukuyan itong coordinator general ng Missionaries of Jesus na kanilang itinatag noong 2002.

Ito ang kahalili ng namayapang si Bishop Victor Ocampo noong 2023 na nagbunsod sa pagiging sede vacante ng diyosesis sa loob ng isang taon.

Pamumunuan nito ang halos isang milyong populasyon ng mga katoliko ng Gumaca katuwang ang mahigit 70 mga pari sa 29 na mga parokya.

Ipinanganak ang bagong halal na obispo sa lalawigan ng Cebu noong 1966, nagtapos ng kursong psychology sa University of St. La Salle sa Bacolod City bago kumuha ng Philisophy at Theology sa Maryhill School of Theology sa Quezon City.

Naordinahang pari si Bishop-elect Cañete noong 1995 sa Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM) habang 2003 naman ng makakuha ng licentiate degree ng canon law sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo ang pari sa iba’t ibang religious institutions sa Quezon City kabilang na ang Recoletos School of Theology, Institute of Formation and Religious Studies, Inter-Congregational Theological Center, at Saint Vincent School of Theology.

Sa kasalukuyan ay kasapi si Bishop-elect Cañete sa Catholic Theological Society of the Philippines at Canon Law Society of the Americas.

 

PANALANGIN NG PASASALAMAT SA BIYAYA NG PAGKAKALOOB NG BAGONG OBISPO

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 5,766 total views

 5,766 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 18,214 total views

 18,214 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 53,388 total views

 53,388 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 60,753 total views

 60,753 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 61,511 total views

 61,511 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

1

Latest Blogs

1