Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pananalangin,pag-aayuno at kawanggawa, tunay na diwa ng kuwaresma

SHARE THE TRUTH

 15,204 total views

Muling ipinapaalala sa mga mananampalataya ang kahalagahan ng panalangin, disiplina, at kawanggawa bilang bahagi ng paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay.

Sa homiliya ni Fr. Rey Reyes, SSP na ginanap sa Veritas Chapel, binigyang-diin niya ang tatlong pangunahing haligi ng Kuwaresma: ang pananalangin, pag-aayuno, at pagbibigay ng tulong sa kapwa.

“Ngayong Kuwaresma, bawasan natin ang ating oras sa paggamit ng gadgets at social media. Sa halip, italaga natin ang mas maraming sandali sa pananalangin at pakikipag-ugnayan sa Diyos,” ayon kay Fr. Reyes.

Hinikayat din ang publiko na maging mas disiplinado sa kanilang pamumuhay. “Sa panahong ito, suriin natin ang ating mga ari-arian. Kung mayroon tayong mga bagay na hindi na natin kailangan, ipagkaloob natin ito sa mas nangangailangan. Napakaraming pamilya ang salat sa pagkain at pangunahing pangangailangan, kaya’t huwag tayong mag-atubiling magbigay,” dagdag ng pari.

Bukod sa pananalangin at sakripisyo, binigyang-diin din ang paggawa ng mabuti sa kapwa. “Ngayong Kuwaresma, maglaan tayo ng oras upang dalawin ang mga may sakit, alalahanin ang ating pamilya, at tumulong sa ating komunidad. Hindi natin kailangang hintayin ang isang tao na mawala bago natin iparamdam ang ating pagmamalasakit,” paalala pa ni Fr. Reyes.

Sa gitna ng pagiging abala ng buhay, nananawagan ang Simbahan sa mga mananampalataya na gamitin ang panahon ng Kuwaresma bilang pagkakataon upang mas mapalapit sa Diyos at magbahagi ng pag-ibig sa kapwa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 56,966 total views

 56,966 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 64,741 total views

 64,741 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 72,921 total views

 72,921 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 88,771 total views

 88,771 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 92,714 total views

 92,714 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 5,813 total views

 5,813 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 10,978 total views

 10,978 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 10,978 total views

 10,978 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top