187 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa para sa kapistahan ng isa sa pinakabatang Santo ng Simbahang Katolika na si St. Maria Goretti sa Pope Pius the XII, UN Avenue, Manila.
Sa kanyang homiliya, binigyan diin ng kaniyang Kabunyian ang pinakadakilang alay na pananampalataya at pananalig sa Panginoon.
Inihalintulad ni Cardinal Tagle si Maria Goretti na ibinigay ang buong tiwala sa Panginoon, pagtalima sa pangako at pananatiling dalisay sa kabila ng panganib sa kanyang buhay.
“We ask on many-many things and many fool things, but let us not forget in the end the pleasing sacrifice that we could offer to God is heart, is a person fully devoted,” ayon kay Cardinal Tagle.
Si Maria Goretti ay ang Italian-virgin martyr, na nasawi noong 1902 sa edad na 12 dahil sa mga saksak nang tangkain itong gahasain ni Alessandro Serenelli.
Siya ay lumaki sa kahirapan kasama ang lima pang mga kapatid at Ina-bunsod ng maagang pagkamatay ng kaniyang ama, at nakaranas ng karahasan mula sa tangkang panggahasa.
Subalit sa kabila nito, buong pusong pinatawad ni Maria Goretti ang lalaking nagtangkang lumapastangan ng kanyang puri.
Dahil sa pagpapatawad ni Maria Goretti nagkaroon ng pagbabagong loob si Serenelli na tinahak din ang kabanalan at naging isang Franciscan lay brother.
“She released the person from the prison of anger, of revenge. That’s her form of justice. And he attended the cannonization of Maria Goretti.”pahayag ni Cardinal Tagle.
Taong 1950 nang ideklarang Santa si Maria Goretti ni Pope Pius X11 sa St. Peter Square.