178 total views
Hinangaan ni Father James Mallon, Episcopal Vicar for Parish Renewal and Leadership Support for the Archdiocese of Halifax-Yarmouth, Nova Scotia Canada ang pananampalataya ng mga Filipino matapos ang ikalimang Philippine Conference on New Evangelization sa University of Sto.Tomas.
Ayon sa Pari, napakaganda ng ipinakitang Espiritwalidad ng mga Dumalo sa PCNE5, gayundin ang masiglang Enerhiya ng mga mananampalataya sa pagtugon sa panawagan para sa makabagong Ebanghelisasyon.
Bukod dito, sinabi rin ni Father Mallon na isa sa mga hindi niya malilimutan ay ang mga aral na may kasamang Kongkretong pagkilos na ipinakita ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya.
“I think the thing that I will take back from this trip is just the Beautiful Spirit of the people that I met but what really moved me today was the Cardinal’s reflection when he Summed things up and Not just his Words but his Actions.” pahayag ni Father Mallon sa Radyo Veritas
Naniniwala si Father Mallon na mahirap pangatawanan ang pagsasabuhay ng pag-ibig ng Panginoon sa gitna ng ating lipunan sa kasalukuyan, subalit dahil na rin sa tulong at Inspirasyong ipinamalas ni Cardinal Tagle, ay maaari din itong matularan ng mga mananampalataya.
Itinuturing din ng Pari na biyaya para sa kanyang sarili ang mga bagong aral na nakuha mula sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa tema ng PCNE5 na “Moved with Compassion… Feed the Multitude.”
“Sometimes it’s very easy to forget what it’s all about and in the end, What everything we do, in the end it’s about embodying the love of Christ for all people and he does that in such an amazing way so that really, Really moved me deeply. His reflection on the Feeding of the Multitude that was a new gift for me.” Dagdag ni Father Mallon.
Ang PCNE 5 ay sinimulan noong ika-18 ng Hulyo at nagtapos noong ika-22 ng buwan.
Tinatayang umabot sa 7,000 Mananampalataya ang dumalo sa limang araw na pagtitipon, kasama na ang mga nakilahok sa Espesyal na araw para sa mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa.