1,855 total views
Isabuhay ang papupursige at hangarin na makamit ang mga pangarap sa anumang suliranin na mararanasan sa buhay.
Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippine Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng Araw ng mga Bayani.
Ayon sa Obispo, katulad ng naging sakripisyo ng ating mga bayani nawa ay maipagtuloy din ng mga mamamayan ang pananatili ng mabuting adhikain para sa kapakanan ng mas nakakarami.
““When we think of our heroes we think of hardwork and perseverance” sana tayo rin po ay manatiling Sa mode na iyan as hardworking and persevering. God bless us all,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Bishop Florencion.
Sa bahagi ng Armed Forces of the Philippines, idinaos narin ang wreath-laying ceremony sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kasama sila AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa Libingan ng mga Bayani.
Ito ay bilang pagalala sa sakripisyo ng mga sundalo at mga bayani na inuna ang kapakanan ng mas nakakarami at ikabubuti ng sambayanan.