252 total views
Iligtas ang inyong anak mula sa kumakalat na sakit na ‘tigdas’ sa pamamagitan ng libreng bakuna na matatagpuan sa iba’t ibang pagamutan at health centers ng Department of Health.
“Mas importante po ito na magawan natin ng paraan para maisalba an gating anak sa mga tigdas na namamayagpag, let’s put an end to that,” ang pahayag ni Secretary Duque.
Ito ang patuloy na panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko sanhi ng patuloy na pagdami ng mga batang namamatay dahil sa tigdas.
“Yan, talagang naayon sa standards and safety sa quality sa efficiency tsaka effectiveness. So ‘wag po tayong magduda maganda po itong mga bakuna na to talagang subok na subok na ito maraming dekada na ang nagdaan. Ang mga bakuna na ito ay talaga naman ay effective,” pagtitiyak pa ng kalihim.
Una ring isinisisi ng kalihim ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna dulot ng dengvaxia scare.
Bukod sa panawagan sa publiko, humingi na rin ng tulong sa media ang DOH para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang mailigtas sa mga sakit.
Pinapayuhan din ng DoH ang mga magulang na iwasan munang bumiyahe lalu sa mga lugar na idineklarang may ‘measles outbreak’ kabilang na sa ilang National Capital Region, Calabarzon at sa Visayas.
Sa tala ng DoH, may 70 bata na ang namatay dulot ng tigdas habang aabot na s 4,300 ang naitalang kaso ng tigdas.