20,778 total views
Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na gawing makabuluhan ang taong 2024 na idineklara ng Santo Papa Francisco bilang Year of Prayer.
Ayon sa obispo mahalagang suriin ang buhay pananalangin upang matamo ang dalawang mahalagang layunin: “To inspire individuals to delve deeper into their commitment to prayer, nurturing a profound love for God and fostering a more intimate relationship with Him, and; To contemplate how they can guide and support others in their prayer journey during the Year of Prayer.’
Binigyang diin ni Bishop Uy na ito ang pagkakataong pagnilayan ang mga paraang higit makapagpapalapit at pakikipag-ugnayan sa Diyos.
“During this Year of Prayer, we are encouraged to seek a more profound understanding of prayer and its significance in our lives. It is an invitation to explore various forms of prayer, from traditional to contemplative, and to discern the unique ways in which we can enrich our spiritual connection,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.
Aniya ang mga pagninilay ay makatutulong upang malinang makabuluhang prayer life at maranasan ang ‘transformative power of prayer.’
Apela nito sa mananampalataya na hingin sa Panginoon ang paggabay ng Banal na Espiritu na makatutulong sa mas malalim na pang-unawa sa espiritwalidad at ugnayan ng tao sa Panginoon.
Gayunpaman sinabi ni Bishop Uy na bagamat hinimok na linangin ang sariling prayer life ay huwag kalilimutan ang kapwa bilang kasama sa paglalakbay sa kristiyanong pamayanan.
“As we embark on this introspective journey, let us not forget the importance of community and companionship in prayer. As we reflect on our own prayer practices, we should also consider how we can walk alongside others, offering support, guidance, and encouragement as they traverse their own paths of spiritual growth,” dagdag ng obispo.
Batid ng pinunong pastol ng Tagbilaran na sa pagbubuklod ng mamamayan sa pananalangin ay mapalago ang diwa ng pagkakaisa ng bawat komunidad.
Ang deklarasyon ng simbahan sa Year of Prayer ay paghahanda sa nalalapit na Jubilee Year sa 2025 kung saan tema ang ‘Pilgrims of Hope.’