Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas; Manindigan para sa pananampalataya

SHARE THE TRUTH

 217 total views

Nanindigan ang Sangguniang Layko ng Pilipinas na kailangang lalo pang pagtibayin ang pananampalataya ng mga Katolikong Filipino na humaharap ngayon sa pagsubok.

Ayon kay Marita Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, ang mga nagaganap na kaguluhan sa lipunan gaya ng extrajudicial killings, karahasan, at iba pang pagpatay ang mga dahilan kung bakit mas kinakailangang manalangin ng mga Filipino.

Giit ni Wasan ang mga ganitong pagkakataon din ang nagpapakita kung bakit mas kinakailangang magpunta sa simbahan ng mga mananampalataya.

“Nakikita ko kasi yung EJK killings ay hindi nagbibigay ng mabuting future para sa bawat pamilyang Filipino na naging biktima ng pagpatay, violence, mga kasinungalingan na ginagawa ng pamahalaan. It’s more reason for us to pray, it’s more reason for us to go to church and ask the Lord for conversion,” bahagi ng pahayag ni Wasan sa Radyo Veritas.

Ayon pa kay Wasan, marahil naging pangulo ng Pilipinas si Duterte upang lalo pang maging malapit sa Panginoon ang mga Filipino.

Naniniwala si Wasan na sa ganitong pagkakataon ay kinakailangang magkaisa ang lahat ng tao upang itaguyod ang buhay, maging madasalin, at kumapit sa pag-asang mula sa Panginoon.

Binigyan diin pa ni Wasan; “Siguro dapat talaga na maging mas prayerful tayo para mas maramdaman natin ang Panginoon sa buhay natin at hindi mangyari ang mga pangyayaring ganito. Lahat kami sa Sangguniang Layko ng Pilipinas ay parang dinudurog ang puso sapagkat alam namin na ang buhay ay mahalaga, ang bawat tao ay may dignidad na unti-unting inaalis.”

Matatandaang sa isang pahayag na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hinimok nito ang mga Filipino na huwag nang magpunta sa simbahan at sa halip ay manalangin na lamang sa kani-kanilang bahay ang bawat Filipino.

Naninindigan ang simbahan kasama ang Sangguniang Layko ng Pilipinas sa kahalagahan ng pagpunta sa mga simbahan at pagdalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya bilang pinaka mataas na paraan ng pananalangin, at pagpapasalamat sa Panginoon.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 2,353 total views

 2,353 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 10,669 total views

 10,669 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 29,401 total views

 29,401 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 45,974 total views

 45,974 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 47,238 total views

 47,238 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 87,376 total views

 87,376 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 72,959 total views

 72,959 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top