Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan ni Bishop Pabillo, sinuportahan ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

 230 total views

August 22, 2020

Nagpahayag ng suporta ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa panawagan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na pahintulutan na magkaroon ng mas maraming kapasidad ang mga Simbahan.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM ang Simbahan ang nagsisilbing matatakbuhan at makakapitan ng mamamayan upang magkaroon ng inspirasyon, pag-asa at karagdagang tapang na harapin ang kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng bansa mula sa banta ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ng Pari, ang mga Simbahan na nagsisilbing bahay dalanginan at takbuhan ng mga mananampalataya ay isang mahalagang aspekto sa pagharap ng mga Filipino sa pangamba at takot na dulot ng pandemya.

Iginiit ni Fr. Cortez na mahalagang suriin itong mabuti ng pamahalaan lalo na’t naunang ipinamalas ng Simbahan at ng mananampalataya ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng sakit.

“Katulad ng panawagan ni Bishop Broderick Pabillo ganun din yung aking panawagan bilang Pari, huwag nilang isipin na dahil ako ay Paring Katoliko kaya gusto kong dumami na yung tao ang iniisip ko lang ay sa dami ng mga mamamayan ngayon na nangangailangan ng makakapitan at ng pagpapalalim ng pananampalataya at inspirasyon wala silang tatakbuhan kundi ang Simbahan, wala silang ibang pupuntahan, so I demand kung ano yung dapat yun yung ibigay nila kasi tayo namang mga Katoliko never tayong hindi sumunod doon sa gusto nilang mangyari…” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin rin ng Pari ang tila hindi patas na pagtingin ng pamahalaan sa mga establisyemento tulad ng mga mall at restaurant kumpara sa mga Simbahan na parehong nasa ilalim ng kasalukuyang General Community Quarantine.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez, mas mayroong naangkop na espasyo at kapasidad ang mga Simbahan upang matiyak ang pagpapatupad ng physical distancing para sa mga dadalo sa banal na liturhiya.

“Nakakalungkot lang na ang mga restaurant, ang mga mall at ang iba pang lugar na maliliit ay pinapayagan na nila na maraming pumasok pero ang Simbahan na kung saan malalaki at pwede tayong magkaroon ng social distancing ay pinipigilan nila yung ating paglalakad ng ating pananampalataya…” Dagdag pa ni Fr. Cortez

Kaugnay nito nauna ng pinuna ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang pagbago-bagong polisiya ng pamahalaan kaugnay sa bilang ng mga maaaring dumalo sa mga banal na gawain sa mga Simbahan kung saan umiiral ang GCQ.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap ang pagpapahintulot ng 30-porsyento sa mga restaurants kumpara sa 10-indibidwal lamang para sa mga Simbahan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 14,833 total views

 14,833 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 22,611 total views

 22,611 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 30,791 total views

 30,791 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 47,168 total views

 47,168 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 51,111 total views

 51,111 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
12345
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

RISE program, sinuportahan ng CHR

 6,762 total views

 6,762 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights sa bagong programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Corrections (BuCor) para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

RMP, vindicated desisyon ng QC-RTC

 5,506 total views

 5,506 total views Paiigtingin ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang misyong paglingap sa pangangailangan ng mga mahihirap lalo sa mga liblib na lugar ng

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112