140 total views
Nararapat na maging bukas ang isipan ng mga layko sa mga aspekto ng Death Penalty na mariing tinututulan at pinipigilan ng Simbahang Katolika.
Ito ang panawagan ni Rita Linda Dayrit – President ng Pro-Life Philippines Foundation kaugnay sa hating opinyon ng taumbayan sa pagbabalik ng Death Penalty sa bansa.
Paliwanag ni Dayrit, bilang isang sa may pinakamalaking bilang ng mga Katoliko sa Asya ay dapat na maliwanagan ang mga Layko sa mga aspektong nakaugnay sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
“Ang aking panawagan sa mga layko, kung hindi niyo naiintindihan bakit tutol ang ating mga Obispo, ang Simbahang Katolika sa Death Penalty ay magtanong po, hindi po basta maghusga na ito ang tingin ko, ayoko para sa akin, hindi ito dapat. Magtanong po sa Pari, magtanong po sila sa atin, makinig sila sa atin, bigyan nila tayo ng oras na mag-explain sa ating side at sana po ay maliwanagan lahat…”panawagan ni Dayrit sa panayam sa Radio Veritas.
Kaugnay nito naninindigan ang Simbahang Katolika na restorative justice at pagsasaaayos ng justice system ng bansa ang nararapat na tutukan ng mga mambabatas at hindi ang pagbabalik ng parusang kamatayan na muli ring magpapalaganap sa kultura ng kamatayan.
Bukod dito, naninindigan rin ang mga Obipo sa may higit 200-mambabatas na bumoto ng yes sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso sa death penalty bill at 24 na mga Senador na hindi lahat ng legal ay moral.
Read: http://www.veritas846.ph/54-na-anti-death-congressmen-tinawag-na-angel-life-ng-obispo/