286 total views
Ilaan sa pananalangin at pagkalinga sa mga migrante sa Italya.
Ito ang panawagan ni Bishop Ruperto Santos-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Pontificio Collegio Fillipino sa mga paring nag-aaral sa Roma.
Ang mungkahi ay kasunod na rin ng sampung araw na kanselasyon ng klase sa italya dahil na rin sa banta ng corona virus disease o COVID-19.
“Make use of the time to spend with the migrant workers, to pray and always remind them of the necessary personal hygiene and always follow the directive of the city government, of the national government,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.
Ayon sa obispo, bukod sa pagdarasal hindi na kumalat at makahanap ng lunas sa COVID-19 dapat ding gamitin ang bakanteng panahon upang damayan ang mga nangangailangan lalu na ang mga migrante sa bansa.
“This Lenten season let us always do what is necessary especially trials and sacrifices and offer it na kung saan ay mawala na ang epidemic na COVID-19,” ayon pa sa obispo.
Inihayag pa ni bishop Santos na bagamat walang klase ang mga mag-aaral ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma ay patuloy naman ang pagkakaloob ng serbisyong pang-espiritwal ng mga mag-aaral para sa mga Filipino migrants sa kabila ng banta ng COVID-19.
Ayon sa obispo, may 40 ang bilang ng mga Filipinong mag-aaral ang collegio bukod pa sa may 13 dayuhang mag-aaral mula sa Africa at South Korea.
Ang Italya ay binubuo ng may 200 libong OFW’s na karaniwang matatagpuan sa Roma at Milan. (Reynalynn Letran)