Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 81,477 total views

Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya upang hindi na maulit pa ang madilim na kasaysayan ng Martial Law.

Giit ni Bishop Pabillo, mahalagang alalahanin ang mga pangyayari sa nakalipas na pag-iral ng batas military na naging dahilan nang pagbagsak ng ekonomiya at nagpahirap sa maraming Pilipino.

“Huwag natin kalimutan na naudlot ang pag-unlad ng bansa natin dahil sa Martial Law, naiwanan tayo ng maraming bansa sa Asia dahil sa pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa pang-aabuso noong Martial Law, Hanggang ngayon hindi pa tayo nakababawi, maging maingat tayo na hindi natin uli isuko ang ating kalayaan,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Batay sa talaan ng Ibon Foundation, noong 1975 ang pinakamababang -6.9% na datos ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.

Ayon pa sa Ibon Foundation, 1985 ng maitala sa Pilipinas ang ang pinakamataas na 23.2% na inflation rate at umabot sa 49%-ng mga Pilipino o katumbas ng 27-milyon mamayan ang nakaranas ng kahirapan sa ilalim ng pamumuno ng diktaduryang Marcos.

Paalala din ng Obispo na kinakailangan ang pagiging mulat ng mamamayan at maging mapagbantay sa mga opisyal ng gobyerno upang maiwasan sa hinaharap ang muling pang-aabuso sa kapangyarihan.

Hindi malilimutang pangyayari (Bold)
Sinabi naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, ang pag-iral ng Batas Militas sa panahon ng diktaduryang Marcos ang isa sa malulungkot at hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

“At ipagdasal muna natin ang mga biktima ng Martial Law. ‘Yung mga namatay dito, ‘yung mga nasaktan hindi lamang sa pisikal kun’di pati na rin ‘yung emotional state, at sana naman ay magkaroon din ng paghilom sa kanila,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa ang pari na nawa ang mga biktima ng karahasan at pang-uusig, lalo na ang mga nasawi, ay makamit na ang matagal nang inaasam na kapayapaan at katarungan.

Hiling naman ni Fr. Secillano na mapagtanto ng mga sangkot sa nakalipas na Batas Militar ang naging pagmamalabis at pagkukulang na humantong sa karahasan.

Nataon din sa paggunita ng 50-taon ng Batas Militar na nailuklok bilang ika-17 pinuno ng bansa si President Ferdinand Marcos Jr. -ang anak ng dating diktador na namuno ng higit sa dalawang dekada.

Umaasa ang opisyal ng CBCP na maging daan ang pagkakataong ito na maituwid ang mga pagkakamali nang sa gayon ay hindi na muling maulit pa ang mga nangyari sa pag-iral ng Martial Law.

“Sana magkaroon din sila ng remorse sa mga nagawa nila. Kumbaga, ito ay pagkakataon din para balikan natin ‘yung mga lapses sa mga nangyayari noon at para ituwid natin sa kasalukuyan. At sa hinaharap nama’y mas mag-improve tayo bilang isang bansa,” saad ni Fr. Secillano.

September 21, 1972 nang ipag-utos ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang Martial Law kung saan may 3,000-katao ang napaulat na pinaslang.

Nagwakas naman ang 14-taong Martial Law at ang Rehimeng Marcos noong 1986 sa pamamagitan ng mapayapang EDSA People Power Revolution. (Jerry Maya Figarola/Michael Añonuevo)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,173 total views

 29,173 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,829 total views

 43,829 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,944 total views

 53,944 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,521 total views

 63,521 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,510 total views

 83,510 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Pag-alis sa appointing power ng Pangulo sa independent constitutional commission, iminungkahi

 297 total views

 297 total views Pagtatanggal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng mga opisyal sa independent institutions sa pamahalaan ang isa sa nakikitang solusyon ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan o ANIM Coalition na nagsusulong at tutumutol sa pag-iral ng political dynasty, korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Ayon kay ANIM Lead Lawyer Attorney Alex Lacson sa panayam ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 66,488 total views

 66,488 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 82,493 total views

 82,493 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 82,500 total views

 82,500 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 85,590 total views

 85,590 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 81,291 total views

 81,291 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 105,667 total views

 105,667 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 81,274 total views

 81,274 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Health
Veritas Team

Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

 44,366 total views

 44,366 total views Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19. Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19. Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring

Read More »
Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 50,651 total views

 50,651 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 44,237 total views

 44,237 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Environment
Veritas Team

Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

 48,670 total views

 48,670 total views Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 65,603 total views

 65,603 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 64,687 total views

 64,687 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Cultural
Veritas Team

CBCP President, humiling ng panalangin sa kaligtasan ng mga nakaranas ng lindol sa Mindanao

 76,877 total views

 76,877 total views Humihiling ng panalangin si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa malakas na lindol na naranasan sa Mindanao. Ayon sa Arsobispo, naramdaman sa Davao City ang malakas na pagyanig na naganap ala-una ng madaling araw. Ibinahagi ng Arsobispo na nagising siya sa malakas na pagyanig kung

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top