Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangalagaan ang “last ecological frontier”, panawagan ng Palawan Bishops

SHARE THE TRUTH

 1,781 total views

Isang malaking pananagutang moral ang maging mabuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Ito ang bahagi ng bukas na liham ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Taytay, Palawan bilang pagpapahayag at panawagan ng pagmamalasakit sa mga likas na yaman ng lalawigan.

“Katangi-tangi ang likas na kagandahan at likas na kayamanan ng Palawan kaya nararapat lamang na natatangi rin ang pagkalinga sa Kanya upang matiyak na ang napapakinabangan natin ngayon ay matamasa pa rin ng mga susunod na henerasyon.” ayon sa liham.

Nilagdaan ito nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich, at lahat ng pari ng parehong apostoliko bikaryato.

Binigyang-diin sa liham na tulad ng ibang lugar sa rehiyon ng MIMAROPA na nagsikap na maipasara ang minahan, nawa’y maitaguyod din ang higit na pagsisikap na mapangalagaan ang itinuturing na ‘Last Ecological Frontier’ ng Pilipinas.

Ikinalulungkot ng mga Obispo at pari ng dalawang apostoliko bikaryato ang kalagayan ng mga katutubo at magsasaka ng lalawigan na direkta at higit na apektado ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng pagmimina.

Kaya naman isinusulong ng lokal na simbahan ang makatotohanang pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan na may pagmamalasakit lalo na sa mga mahihirap; Pagbabawal sa pagpapalawig, pagpapalawak at pagbubukas ng mga minahan; at hikayatin ang mga kinauukulan na managot sa pagpapanumbalik ng mga nasirang likas na yaman.

Panawagan ding tutukan ang mga programa sa agrikultura at turismo, at higit pang pagpapalaganap ng kahalagahan ng mga likas na yaman ng Palawan.

“Iisa lamang ang ating lalawigan. Dapat natin itong pahalagahan at pangalagaan. Tayo nawa’y maging daan ng pagkakaisa at pagkakasundo dahil lahat naman tayo ay iisa lamang ang layunin – para sa mamamayan at alang-alang sa ating Palawan.” ayon sa liham

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 61,508 total views

 61,508 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 71,507 total views

 71,507 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 78,519 total views

 78,519 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 88,145 total views

 88,145 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 121,593 total views

 121,593 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 12,436 total views

 12,436 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 14,470 total views

 14,470 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top