Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangailangan ng mga biktima ng lindol, tulong-tulong na tinutugunan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 596 total views

Nagtutulungan ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika para lalo pang makatugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa Surigao del Norte.

Ayon kay Sherlita Seguis, Social Action Coordinator ng Diocese of Surigao, natapos na nila ang validation ng mga datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO na kulang pa at marami pang dapat idagdag sa listahan.

Nagtutulungan sa kasalukuyan ang Diocese of Surigao at ang Catholic Relief Services o CRS sa pagtukoy ng mga kailangan pang tugunan ng Simbahang Katolika sa bahagi ng rehabilitasyon o Water Sanitation and Hygiene (WASH).

“Priority po namin ang mga most affected, ngayon darating ang team ng CRS at mag-based kami sa secondary data,”pahayag ni Seguis sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito aminado si Seguis na may ilan pang mga pamilya ang nangangamba na bumalik sa kanilang mga bahay dahil sa posibilidad ng mga aftershocks.

“Katunayan po kagabi around 9pm nandun pa kami sa opisina meron pa kami 4 [families] na evacuees kasi yung lupa ng bahay nila gilid ng ilog may nag-leak daw, everytime na nagalaw ang lupa,” pahayag ni Seguis.

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs na hindi bababa sa 140 aftershocks ang kanilang naitala hanggang Martes ng hapon [February 14].

Batay sa pahayag ng PDRRMO umabot sa P665- milyong piso ang inisyal na halaga ng pinsala na iniwan ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao.

Magugunitang una nang nagpahayag ng panalangin ang ilang mga Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas matapos maganap ang nasabing kalamidad.

Patuloy din ang panawagan ng Caritas Manila sa mga Good Samaritan na tulungan ang mga biktima ng lindol.

Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-6-7-magnitude-earthquake-surigao-del-norte/

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,516 total views

 3,516 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,631 total views

 13,631 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,208 total views

 23,208 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,197 total views

 43,197 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,301 total views

 34,301 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 3,216 total views

 3,216 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer Report ng Diocesan Social Action Center- Ilagan, umabot sa 2,155 Pamilya mula sa 5 Bikaryato ng Diyosesis ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyo. Summary of evacuees from the

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 40,125 total views

 40,125 total views Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental. Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 39,854 total views

 39,854 total views Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng. katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 39,771 total views

 39,771 total views Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi. Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 39,491 total views

 39,491 total views Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon. Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Mamamayan ng Abra, natatakot sa nararanasang aftershocks

 12,574 total views

 12,574 total views Hindi pa rin napapawi ang pangamba ng maraming residente sa lalawigan ng Abra dahil sa patuloy na nararanasan na mga aftershocks matapos ang naganap na magnitude 7 na paglindol noong nakaraang araw ng Miyerkules. Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa isa sa mga kinatawan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued (Abra),

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Simbahan sa Northern Luzon, umaapela ng tulong

 12,512 total views

 12,512 total views Umapela ng tulong at panalangin ang Archdiocese of Nueva Segovia sa lalawigan ng Ilocos Sur matapos ang pinsalang iniwan ng magnitude 7.3 na paglindol sa malaking bahagi ng Luzon. Ayon kay Rev. Fr. Danilo Martinez, ang Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia, malaking pinsala ang dinulot ng lindol sa kanilang lalawigan

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Sorsogon, umaapela ng tulong

 12,536 total views

 12,536 total views Kumikilos na para makatulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan ang Social Action Center ng Diocese of Sorsogon. Batay sa monitoring ng Caritas Sorsogon, tinatayang nasa 45 pamilya o mahigit sa 150 indibidwal ang lumikas sa evacuation center sa bayan ng Juban matapos maapektuhan ng phreatic explosion ng bulkang Bulusan kahapon

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

LASAC, nakatutok sa mga bayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal

 12,435 total views

 12,435 total views Ilang bayan sa lalawigan ng Batanags ang binabantayan ngayon ng Archdiocese of Lipa matapos magsilikas ang mga residente dahil sa banta ng pagliligalig ng bulkang Taal. Ayon kay Paolo Ferrer, communication officer ng Lipa Archdiocesan Social Action Center o LASAC, nakatuon ang kanilang atensyon sa mga Parokya at bayan sa Agoncillo at Laurel

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Coca Cola Foundation, kinilala ang kakayanan ng Simbahan sa pagtulong sa mga nangangailangan

 12,263 total views

 12,263 total views Nagpapasalamat ang Coca Cola Foundation na maging katuwang ang Simbahan Katolika sa layuning makatulong sa mga naapektuhan ng kalamidad. Ito ang inihayag ng pribadong grupo matapos na makipag-tulungan sa Caritas Philippines at Diocese of Kabankalan sa pamamahagi ng mga shelter repair materials sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Negros Occidental. Ayon kay

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

 12,529 total views

 12,529 total views Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Pagpapatayo ng bahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, prayoridad ng Diocese of Surigao

 12,387 total views

 12,387 total views Tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Diocese of Surigao na makatulong sa rehabilitasyon ng mga tahanan na nasira ng bagyong Odette sa lalawigan ng Surigao. Ito ang pagtitiyak ni Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng nasabing dioceses mahigit tatlong buwan mula nang manalasa ang bagyo sa lalawigan. Ayon kay Fr. Ilogon, marami na

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

 12,296 total views

 12,296 total views Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine. Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Libu-libong residente ng Surigao na apektado ng bagyong Odette, hindi pa rin nakakabangon

 12,317 total views

 12,317 total views Apektado pa rin ang pamumuhay ng maraming residente sa Diocese of Surigao tatlong buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis, hanggang sa ngayon ay sinisikap pa ring bumangon ng mga residente mula sa malaking pinsala na iniwan ng bagyo. Aminado si Fr.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top