587 total views
Patuloy ang Diocese of Malolos Social Action Center (SAC) sa assesment ng pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Monsignor Melchor Ignacio – SAC director ng Diocese of Malolos, ang munisipalidad ng San Miguel Bulacan ang pangunahing napinsala matapos ang pagbahang idinulot ng bagyo na dahilan ng pagkasira ng mga bahay.
“In general naman doon sa sampung bikarya, isang bikarya lang talaga ang medyo napuruhan which is yung bayan ng San Miguel, as per Social Action Coordinators namin doon sa mga bikarya doon lang ang mga low-lying na mga lugar na nabaha pero ang LGU ay inayos na kaagad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Monsignor Ignacio.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugon ng SAC Malolos sa pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo.
Bukod sa pagbubukas ng mga simbahan upang magsilbing evacuation centers ay tiniyak ni Monsignor Ignacio ang kahandaan na agad mamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.
“So ayun po ang number one priority ngayon and then ayun nga yung assesment, tingnan namin kung ano pa yung pwedeng maibigay na tulong once na makita namin yung situation, tapos yung mga mga simbahan ay binuksan for evacuees simula kagabi,” pahayag ni Monsignor Ignacio sa Radio Veritas.
Patuloy din ang rapid assessment ng mga Diyosesis sa Luzon na naapektuhan ng bagyong Karding.
READ: