325 total views
Matagumpay na naisagawa ng Caritas Manila ang “blood- letting campaign” noong ika-29 ng Hulyo, 2022 sa tanggapan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa Pandacan, Manila.
132-indibidwal mula sa iba’t-ibang sektor ang nakiisa sa programa ng Caritas Manila.
Naging posible ang programa sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila sa Radio Veritas 846, Dugong-alay Dugtong Buhay, Caritas Damayan at Caritas in Action Program.
Ayon kay Maricar Farinas, Program officer ng Caritas in Action, ang blood-letting activity ay paghahanda sa pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya na nangangailangan ng libreng blood donation.
Inihayag naman ni Nat Marilag – Pangulo Dugong-alay Dugtong-Buhay na tinitiyak ng blood-letting program na mayroong sapat na suplay ng dugo ang mga pasyenteng mahihirap at higit na nangangailangan.
Ipinangako ni Marilag na ang pagliligtas ng buhay ang prayoridad ng institusyon sa tulong ng pagtatatag ng mga Dugong-alay Dugtong-Buhay outlets sa Metro Manila, Rizal Province, Abra, Baguio, Batangas at Cebu.
“Mahalagang malaman nila na ang dugo ay isa sa pinakamahalagang bagay dito sa mundo dahil ito ang natatangi na makakadugtong kaagad ng buhay sa sandali na mai-transfer ito. Itinutulong namin ito ng may kababaang loob, pangalawa mahalagang malaman din ng mga tao na ang pagbibigay namin ng libreng dugo ay nagdadagdag kasiyahan o kaligayahan sa mga taong natulungan,” pahayag sa Radio Veritas ni Marilag.
Ipinaalala din ni Dra.Dina Miranda ng San Lazaro Hospital na naging bahagi ng screening process ng mga blood donors ang mga benepisyo ng pagbabahagi ng dugo sa kalusugan.
Ayon sa Doktor, pinapababa nito ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso katulad o Cardiovascular Disease.
2019 ng simulan ng Caritas Manila ang pakikipag-ugnayan sa institusyon upang matulungan ang mga pasyenteng agad na nangangailangang masalinan ng dugo.