2,113 total views
Tiniyak ni Bishop Ruperto Santos ang pagbibigay tuon sa pangangalaga sa kalikasan pagpapanatili ng kultura at tradisyon ng Antipolo bilang bagong pinuno ng simbahan sa lalawigan.
Sinabi ni Bishop Santos, kilala ang Antipolo sa magagandang tanawin tulad ng Hinulagang Taktak, gayundin sa mayaman na tradisyon at kultura.
Higit sa lahat ayon sa obispo ang pagpapalago sa pamimintuho ng mananampalataya sa Mahal na Birhen, hindi lamang sa bansa kundi maging sa iba pang panig ng mundo.
“Maging center din ng cultural and theological and Marian Conferences seminar and congresses ang Antipolo.” ayon sa obispo.
Una na ring kinilala ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, ang ika-11 international shrine ng Mahal na Birhen sa buong mundo at natatangi sa Pilipinas at buong Asya.
Umaasa si Bishop Santos ang pagpapalago ng debosyon sa Mahal na Birhen sa pamamagitan na rin ng pagpapadala ng mga imahe ng Our Lady of Good Voyage sa iba’t ibang bansa.
Si Bishop Santos ay inaasahang itatalaga bilang obispo ng Antipolo sa July 22.
Kabilang naman sa mga inimbitahan sa pagdiriwang nang pagtatalaga sina Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Ang Antipolo ay kabilang sa suffragan diocese ng Ecclesiastical Province of Manila na pinamumunuan ni Cardinal Advincula.