5,203 total views
Tiniyak ng Philippine Army Chaplaincy ang pangangalaga sa espiritiwal na pangangailangan ng mga estudyanteng napapabilang sa mga Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Personal na binibisita at nagdaraos ng banal na misa ni Army Chief Chaplain Col. Roy L. Onggao sa mga ROTC Cadet upang mapalalim at mapatatag ang kanilang panananmpalataya.
Huling nagdaos ng banal na misa si Fr. Onggao sa ROTC students ng Technological University of the Philippines (TUP).
Inihayag ni Fr.Onggao ang commitment ng Philippine Army na mapatatag ang reserve force ng bansa.
Pinuri naman ni TUP ROTC Commandant Col. Joey Baybayan ang inisyatibo na magpapatibay sa pananampalataya ng mga estudyante na bahagi ng ROTC program.
“Army Chief Chaplain Col. Roy L. Onggao celebrated a Mass attended by Technological University of the Philippines (TUP) Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) cadets at the university’s campus in Ermita, Manila on September 15, 2024, the Mass is part of ensuring the spiritual well-being of ROTC cadets who serve as integral part of the country’s reserve force, according to TUP ROTC Commandant Col. Joey B. Baybayan. The Army leadership meanwhile emphasized its commitment to strengthen the country’s reserve force which plays a vital role in territorial defense operations (TDO),” ayon sa mensaheng ipinadala ng Philippine Army sa Radio Veritas.
Ayon sa datos ng Philippine Army para sa ikalawang semester noong school year 2023-2024 ay umaabot na sa 263,275 Basic ROTC Cadets habang mayroong namang 15,490 Advance ROTC Cadets.
Mula sila sa magkakaibang ROTC Units na pangunahing natatagpuan sa mga paaralan at magkakaibang institusyon na ngayong ay umaabot na sa 208 Activated at 349 Advance Philippine Army ROTC Units
Una ng sinuportahan ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagkakaroon ng mga ROTC Programs para sa mga kabataan, gayunpaman patuloy na paalala ni MOP Bishop Oscar Jaime Florencio, karapat-dapat lamang na tiyakin maayos na ipapatupad ang ROTC sa mga paaralan upang maiwasan ang anumang anomalya at katiwalian para sa kaligtasan ng mga estudyante.