13,470 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pagpapatibay sa mga pag-aaral, polisiya at adbokasiya ng Development Academy of the Philippines (DAP).
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nananatiling layunin ng DAP ang pagpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas at maging ng pamahalaan.
Sinabi ng kalihim na sa pamamagitan ng iba’t-ibang development programs ay makakamit ang mataas na productivity growth at magpapalawak sa kasanayan ng mga kawani at opisyal ng gobyerno.
“Our development plan for socioeconomic transformation emphasizes the need to enhance productivity frameworks across government sectors and transform them into cohesive capacity development programs and incentive structures. Thus, DAP’s productivity capability development programs greatly contribute to this strategy,” ayon sa mensahe ni Balisacan na ipinadala sa Radio Veritas.
Ang mensahe ng kalihim ay matapos ilipat ng pamahalaan sa NEDA ang pangangasiwa sa DAP.
Ang Development Academy of the Philippines ay korporasyon na pagmamay-ari ng pamahalaan na nagsasagawa ng mga pag-aaral, inisyatibo, hakbang, pananaliksik at pagtugon sa mga development programs na magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
Nakasaad sa katuruang panlipunan ng simbahang katolika na hindi masama ang pag-unlad higit na kung kasama ang mga mahibhirap.