5,642 total views
Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa rin at nanatili ang banta ng malakas na pagsabog ang bulkang Taal.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr. ang pagbaba sa alert level 3 ay dahil na rin sa pagbaba ng bilang ng mga paglindol, pagbuga ng volcanic gas at ang pamamaga ng bulkan.
“Pero hindi po nangangahulugan na tumigil na ang aktibidad ng bulkan at nawala na ang tsansa ng malalakas na pagsabog,” ayon kay Solidum.
Mula sa dating 14 kilometer danger zone, ibinaba ng Phivolcs ang 7 kilometer danger zone.
Paalala ni Solidum sa mga lokal na otoridad na patuloy na maging alerto sakaling muling itaas ang alert level sa paligid ng bulkan.
“Hindi po puwedeng pakampante,” dagdag pa ni Solidum.
READ: Bagama’t ibinaba sa Alert level 3; Relief goods, kailangan pa rin sa Batangas
Una na ring inihayag ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na maari nang umuwi ang mga evacuees na nais umuwi sa kanilang tahanan maliban lamang sa mga taga-bayan ng Agoncillo at Laurel.