219 total views
Naniniwala ang dating mambabatas na ang Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan nang patuloy na karahasan sa bansa.
Ayon kay dating Bayan Muna partylist Representative Atty. Neri Colmenares, ito ay bunsod ng mga pahayag ng pangulo na nagbibigay ng ‘go signal’ sa mga pagpatay.
“It is also a breakdown to the peace and order dahil parang may tinatarget at merong tinutukoy sa pag-implement sa peace and order policies at merong ding protected,” ayon kay Colmenares.
Ipinaliwanang ni Colmenares na bagama’t hindi state sponsored ang mga pagpatay ay nagbibigay naman ito ng tapang sa mga nais na gumawa ng krimen na dahilan ng extra judicial killings (EJK).
Kinatigan din ni Colmenares ang pahayag na pag-iral ng breakdown ng peace and order sa bansa dulot na rin sa culture of impunity at violence sa loob ng dalawang taon ng administrasyong duterte.
“May breakdown na. In the first place halimbawa a thousands of suspected drugs, pushers or addicts na namatay breakdown po ‘yun. Hindi porket ang napatay ay suspected criminal hindi, ah okay yan. It is still breakdown sa peace and order kasi hindi ‘yun ng normal na ginagawa sa isang bansa na may peace and order. Ang suspect ay kinakasuhan hindi pinapatay. Secondly ang breakdown na ‘yan ay nakatutok lang sa mahirap,” ayon kay Colmenares.
Read: Breakdown ng Peace and Order, Pinuna ng isang Opisyal ng Simbahan
Una na ring nanawagan ang mga simbahan sa pilipinas para sa pagkakaroon ng ‘day of mourning and reparation’ dahil sa mga pagpaslang na naghihikayat sa bawat isa na magdasal at magsisi para sa paghilom ng bayan.